Prologue

4.7K 33 3
                                    

~PROLOGUE~

Biyernes noon nang gabi at nasa Retro Bistro Bar si Nadine kasama ang mga kaibigan niyang sina Celine at Martin. First time niyang makapunta sa ganoong lugar dahil menor de edad pa siya dati pero ngayon 18 na siya, pwede na siyang pumunta sa mga ganoon lugar kahit kailan niya gustuhin.

Last week lang siya nag debut, sa isang exclusive hotel iyon sa Maynila ginanap. Maraming nagsidalo roon. Mga kaibigan niya, classmates, ilang schoolmates, relatives at ilang business partners ng kanyang daddy.

Engrande ang naging Masquerade Party niya. Ang gabing iyon na ata ang pinakamasayang gabi sa buong buhay niya. Wala man ang mommy niya sa kanyang tabi, alam niyang masaya na ito ngayon sa langit para sa kanya. Ang mahalaga sa kanya ay kasama pa rin niya ang kanyang Kuya Lorenzo at ang Daddy niya.

"Masaya pala sa ganitong lugar no?" aniya na manghang-mangha pa rin sa naturang lugar. "Pakiramdam ko tao na talaga ko.. I feel complete and full of life.."

"OA naman nang reaction mo friend.. Bar lang po ito. Para ka namang taga- bundok niyang lagay na yan.." komento ni Celine.

"Hello?! Ngayon mo lang ba nalaman? Taga- bundok talaga yang si Nadine!" pang-aasar naman ni Martin saka humalakhak.

"Yabang ng mga to!" inis na sabi niya sa mga ito. "Palibhasa mga gurang na kaya ilang beses nang nakakapunta sa mga ganito." pagpapatuloy niya saka tumawa ng pagak.

"Anong gurang?! Hoy, one year lang tanda ko sa yo no!" pagre-react ni Celine.

"Kahit na.. Mas matanda ka pa din saken.." aniya

"Mukha ka kasing high school kaya di ka makapasok sa bar." nakangiti at pang-aasar na sabi ni Martin sabay baling sa kanya.

Pinalo niya ito ng kanyang bag sa braso. "Ang yabang! Porke matangkad siya ang galing magsalita.." kunyari ay nagtatampong sabi niya saka tumalikod at nagpunta sa bartender.

 "Ano kayang pwede?" pag-iisip niya ng maaaring order-in. "uhm, ano.. one shot ng Tequila nga.." sa wakas ay sabi niya sa naghihintay na bartender.

Ibinigay naman nito sa kanya ang order niya. Iinumin na sana niya iyon ngunit agad na inagaw sa kanya iyon ni Martin. "Martin, akin na yan.." pinilit niyang agawin mula rito ang shot ng tequila ngunit hindi nito ibinigay iyon sa halip ay ito na rin ang mabilis na lumagok noon.

"Hoy, Nadine Vargas.. Hindi porke nasa tamang edad ka na ay pwede ka nang uminom nito. Matapang ang tequila-ng to. Siguradong sasakit ang tiyan mo.." sermon nito.

"Then, what am I suppose to do here? Manood na lang?" pamimilosopo niya.

Hindi na siya nito sinagot sa halip ay bumuntong-hininga na lang at bumaling sa bartender. "Margarita please.." anito at saka nagpatong roon ng 500-peso bill. Nang iabot rito ng bartender ang glass ng Margarita ay ipinasa naman nito iyon sa kanya. "oh, eto na lang.. Di masyadong matapang yan.." sabi nito saka bumalik sa table nila.

Lumalim na ang gabi, nagpapakasaya sina Nadine at Celine sa dance floor. Naroon sila at nagsasayaw kasama ang ilang babaeng kakilala pala ni Celine. Nang mapagod si Celine ay bumalik ito sa table nila at naupo muna. Maya-maya ay nag-ing ang cellphone niya at nakitang madami nang text roon ang kanyang kuya. Alalang-alala na ito sa kanya dahil madaling araw na'y wala pa rin siya. Nasa kalagitnaan siya ng pagre-reply nang may lumapit sa kanyang binata na hindi niya kilala.

"Hi, I'm Calvin. You are?" pagpapakilala nito sa kanya.

"I'm sorry but I don't talk to strangers.." sabi niya rito sabay irap.

The guy smiled sweetly at muling nagsalita. "That's why I'm introducing myself. Ang taray mo naman.."

"Talagang mataray ako lalo na sa makukulit.." mataray na sabi niya.

"Di naman ako makulit, gusto lang naman kitang makilala eh. Nakikipagkilala lang naman ako. Don't be too cranky. Di bagay sa katulad mong magandang babae."

"Could you please leave me alone? stop talking to me..and if you think na babait ako diyan sa pambobola mo, well, sorry ka na lang.."

Napangiting muli ang binata. Mukhang mas lalo itong natutuwa sa kanya. "Well, kung ayaw mong ibigay ang name mo then number mo na lang.." anito sabay akbay sa kanya.

Dahil doon ay mas lalo siyang nainis. Ang kapal ng mukha mo! Sino ka sa palagay mo para akbayan ako?! inis na sabi niya sa kanyang isipan. Hinarap niya ito at wala ng sabi-sabi pa, inapakan niya ang paa nito. "Stay away from me, you PERV! Don't come near me again!" she blurted out then walked out.

A/N:

Yan na nga! Nagkakilala na sila! Abangan ang susunod na mangyayari. Sino nga ba si Calvin? Anong magiging kinalaman niya sa buhay ng ating si Nadine. Basahin niyo nalang. Haha!

 LIKE mo ba? Then VOTE if you want. COMMENTS or SUGGESTIONS? Nasa baba lang ang comment box... :))

* TO BE CONTINUED...

UP NEXT, CHAPTER ONE...

Teenage BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon