SIY 1

369 6 6
                                    

"CHAN-CHAN"


























Yan ang tawag nila sakin

Makulit na masayahin kung tawagin. mabait, magalang, matalino, maputi, matangkad, sexy at syempre Gwapo!

















"CHANDRIA"

Ayyy !


Panira talaga si manang ohh !



binabawi ko na ang sinabi kong gwapo ako, Cute na lang !



boyish kasi ako pero hindi lesbian. Hindi kasi pwedeng maging lesbian ang taong inlove sa bestfriend niya


"CHANDRIA VILLANDO! BUMABA KA NA DITO! BESTFRIEND MO NANDITO NA"









Oo, inlove ako sa bestfriend ko kaso di niya alam dahil ang turing niya sakin ay bestfriend lang at tropa

In short.... Na-bestfriend zone !



*TOK* *TOK*

katok naman sa pinto ng kwarto ko

Lumapit naman ako sabay bukas


"Chan-chan ang tagal tagal mo! pagong ka talaga!

"Tumigil ka nga Ella!"

Siya si Gabriel Andrew Lee, ang dakila kong bestfriend

Gwapong at mabait pero hindi sakin. Damuho kasi to, kung ituring ako parang hindi babae. Para sa kanya lalaki ako, tulad ngayon

"Hayyy ! ikaw talaga! sabi ko sayo wag na wag mo kong tatawaging Ella di ba! Gabriel Andrew! Yun ang pangalan ko! " sabi niya habang hawak ako sa butas ng ilong ko

Nakakadiri siya di ba?!

"Aray! aray! oo na Gabby! Gabby na lang itatawag ko sayo ! Gabby bitaw na!" Sabi ko naman habang hawak ang kamay niya

"Good"

"Bastos ka talaga!  tingnan mo sinira mo pa porma ko!" Sabi ko naman habang inaayos ang gusot ng damit ko

"cute ka pa rin naman ea"

"Alam ko na yan! " sabi ko naman habang nag-aayos

Ganito kami araw araw, magsimula pagkabata hanggang sa pagtanda namin walang nagbago..

Well, feelings ko lang



" alam mo na pala ea! Tara na ! malalate na tayo"

"ea san ba kasi talaga tayo pupunta huh?!"

"Basta"

"ewan ko sayo! Ella!" sabi ko at tumakbo palabas

" ikaw!" dinig kong sabi niya

Tumakbo ako pababa at siya naman sinundan ako

"Chan-chan, humanda ka sakin " sabi niya habang hinahabol ako sa loob ng bahay

"Sige, kung mahabol mo ko " sabi ko naman

" sinusubukan mo nanaman ako ahh! sige! humanda ka!"

Hinabol naman niya ako ng hinabol hanggang sa naabutan na niya ako at sinimulang kilitiin

"Hahahaha! tama na! hahahah! Gabby !" Sabi ko naman habang parang bulati gumagalaw

"O ano ka ngayon! sige tawa pa" sabi niya at kiniliti pa rin ako

" hahahahaha!"

"Hoy hoy, itigil niyo na nga yan baka mamaya magkatuluyan pa kayo ea" sabi naman ni manang

Napahinto naman kami agad ni Gabby at napabitaw sa isa't isa

"No way manang! bestfriend lang talaga kami ng engkantong to" sagot nya

" kadiri ka manang! kahit kailan di ko papatulan ang kulugung to! Masahol pa to sa engkanto oh ! Tong pagmumukhang to!" sagot ko naman in a disgusted way

Sana nga totoo na lang ang lahat ng sinabi ko

" oh?! baka malaman ko na lang isang araw na kayo na pala!" sabi naman ni manang

Si manang talaga napaka chismosa!

"YUCK!" sabi naman namin ni Gabby habang nandidiring nakatingin sa isa't isa

"Hay ! bahala na nga kayong mga bata kayo ! " Sabi naman ni manang at naglinis na ng living room

"Oh! Anong kaguluhan to?" Sabi ni mama na may dalang kape

" Hi ma!" ako

"Hi tita!" Gabby

"O may lakad kayo?"

"Opo"

"Oh Bakit ganyan suot mo? mukha kang basahan" sabi ni mama at tiningnan ang suot ko

Nakasuot kasi ako ng short at nakapolo na parang panglalaki at nakacap

"Mama naman ea!"

" bakit? totoo naman ea, hala! balik sa kwarto at magpalit" sabi ni mama

"ma ayaw ko po" sabi ko habang tinutulak niya ako paakyat sa kwarto ko

"honey hayaan mo nga yang anak mo sa porma niya" sagot naman ni papa habang hawak ang dyaryo niya

Tumingin naman ako kay papa at binigyan niya ako ng okay-na-okay-look. Ibig sabihin gusto niya ang suot ko

Kaya magkasundo kami ni papa ea. Sakanya ko nga ata talaga nakuha tong ugaling pagkalalaki ko

"Pero honey, tingnan mo nga itong porma niya, mukha siyang hindi babae"

"Okay lang yan honey! iwas rape" sabi naman ni papa

"Ea nandyan naman si Gabby kaya kahit magdamit babae siya ok lang"

"Naku! Baka mamaya si Gabby pa mangrape sa anak natin no" sagot naman ni papa

"Huh?! Ako po?! hahahahaha! nagpapatawa ka ba tito?" sabi naman ni Gabby

"Kadiri kayo! tara na nga Ella" sabi ko naman at hinila na palabas si Gabby

Gulong kausap ng mga magulang ko no ! Hindi ko rin sila maintindihan kung minsan!


"So saan tayo?" Sabi ko naman habang naglalakad kami palabas

Tumingin naman siya sakin ng nakakaloko sabay ngiti

Hay! ano nanaman kayang pinaplano nito?

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon