(Chan-Chan's POV)
Sa sobrang sarap ng tulog ko hindi ko namalayan na may nakapasok na pala sa kwarto ko at kung hindi lang sana siya nagwawala sa kama ko, hindi pa sana ako gising ngayon!
Hay nako ! Panira talaga tong kumag na to !
Akala ko ba galit to?
"Hoy batugan, bangon na" sabi naman niya habang ginagalaw ang cushion ng kama ko
"Bakit ba nandito ka? aga aga nambubulabog ka" sabi ko naman at sinubukan magtalukbong ng ulo
"Bakit ba? dati ko pa naman ginagawa to, kaya bangon na dyan!" Sabi naman niya at hinila ang kumot ko
"Oo nga ginagawa mo nga kapag di ka nagtatampo, ea di ba nagtatampo ka sakin so bakit nandito ka?"
"hindi naman ako nagtatampo kaya ok na tayo kahit hindi ka pa nagpapasorry" sabi niya at umupo sa kama ko
"Wow ah! Ako ba talaga kailangan magpasorry?" Sabi ko naman at umupo sa tabi niya
"Well, its done kaya wag na natin balikan"
"Hay nako! Ang labo mo!" Sabi ko naman at hinila sakanya ang kumot ko
Hihiga na sana ulit ako nang hawakan naman niya ang kamay ko at hinila
"Wag ka na matulog, may pupuntahan tayo!"
"Ano?! Saan? Hay nako Ella ! Date mo nanaman yan no! Ayoko!" Sabi ko naman at humiga ulit
"Chan-Chan! Tara na! Hindi naman to date !"
"Hay nako Gabriel Andrew! Kilalang kilala na kita! Date yan! Ayoko!" Sabi ko naman habang nakatalukbong
Hay! Ano ba sa 'ayoko' ang hindi niya maintindihan !
"Oh, sige na ! Date nga pero hindi lang naman ako! Pati ikaw!" Sagot naman niya
Napaupo naman ako bigla at napaharap sa kanya
"Anong pati ako?!" Sabi ko naman habang tinuturo ang sarili
Bigla naman siyang umupo sa tabi ko at bumuntong hininga
"Ung pinsan ko kasi"
"O ano namang kinalaman ko dyan sa pinsan mo?"
"He wants to meet you"
"Huh? Ako? Bakit daw?"
"Gusto niya daw makilala bestfriend ko ea, kaya isasama kita!"
"Ea bakit ako?"
"Ea bakit hindi? Natural, ikaw ang ang bestfriend ko di ba?"
"Hindi naman yon ang ibig kong sabihin, bakit ako? Bakit niya ko gustong makilala?"
"masiyado siyang curious sayo"
"Curious? Bakit? Pinaguusapan niyo ba ako?"
"Nabanggit lang kita! Wag kang assuming!" Sabi naman niya
Sira ulo talaga to!
"Bwiset ka talaga! Bahala ka na nga! Di ako sasama sayo!" Sabi ko naman at humiga na lang ulit
"Kapag hindi ka sumama, bubuhatin kita at ilalagay sa shower. Ako mismo magpapaligo sayo Chan-Chan!" Banta naman niya
"Tinatakot mo ba ko?" Sabi ko naman at tumingin sa kanya
"Natatakot ka na ba?"
"Hindi!"
"Hindi naman pala ! Panindigan mo yan!" Sabi niya na biglang humarap sakin at sabay buhat niya