SIY 9

85 3 0
                                    

(Chanchan's POV)

Isang buwan na ang nakakaraan and guess what?!Kami na ni Ethan!

After ng araw ng party dun naging kami. Sa loob ng isang buwan I've been happy with him. He's so sweet and caring yet he is a seloso type of person

Nameet ko rin personally ang parents niya over dinner. Sa loob din ng isang buwan ay naging ganap na babae na ko! Puro pambabae na rin ang mga damit ko.

Si mama kasi, Sabi niya dahil may boyfriend na ko kaya dapat magmukhang babae na ko. So ayun wala na nga akong nagawa pero gusto ko naman to dahil atlis ako na to. Babaeng babae na!

Sa loob din ng isang buwan nagbago na ang lahat sa amin ni Gabby. Kung gaano kami kasayang dalawa ni Ethan ganon naman kakumplikado ang relasyon ni Gabby at Cassandra. Ewan ko ba pero sobrang nagbago na si Gabby. Parang pinaglalaruan niya na lang ngayon si Cassandra. Naawa tuloy ako kay Cassandra dahil masiyado siyang pinagsasawalang bahala ni Gabby ngayon.

Pero kahit na ganon si Gabby, hindi ko pa rin maintindhan kung bakit ayaw niyang makipagbreak kay Cassandra at ayaw din naman siyang iwan ni Cassandra. Gusto ko man kausapin si Gabby ng matino pero hindi niya ko kinakausap ng seryoso. Sinubukan din ni Ethan pero hindi talaga siya nakikinig

Hay! What happen to the guy I used to know? he changed a lot since the party and no one can ever understand him. hindi naman siya nagdrudrugs, hindi umiinom at mas lalong hindi naninigarilyo
Pero ewan ko ba, Andami dami niya ng nilalandi na babae ngayon.One after the other ang ginagawa niya.

Hindi ko alam kung gusto ba niya ng atensyon. Ewan ko kung sa parents niya dahil lagi ngang wala ang parents niya. Ewan ko! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa bestfriend ko

"Ui! Ano iniisip mo?" Si Ethan na nasa tabi ko ngayon

"Wala naman, Mga non sense na bagay"

"Tulad ng?"

"Tulad ng .... "

"Ng?"

"Ng....."

"Ng buhay ni Gabby ngayon?" Sabi naman niya

Natahimik naman ako sa sinabi niya

Umupo naman siya ng maayus at pinatay ang tv, Nanonood kasi kami ng movie sa kwarto ko

"O bakit mo pinatay?"

"Ea hindi ka naman nanonood. Si Gabby nanaman yang nasa isip mo"

"Ethan" Sabi ko naman

"Totoo naman di ba? Oo chan magbestfriend kayo at alam ko nagaalala ka sa kanya pero matanda na si Gabby para alalahanin mo pa" medyo inis na sabi niya

"Sorry na" Sagot ko na lang

"Hay! Sana Chan intindihin mo rin na wala na tayong magagawa kung ganyan na talaga siya. Ilang beses naman natin siyang kinausap. Ako, Ilang beses ko na rin siyang kinausap pero wala talaga ea. Ayaw niya paawat kaya hayaan mo na siya"

"Pero Ethan...."

"Ano nanamang dahilan mo?!Look chandy, magiisang buwan palang tayo pero ganito na agad. Oo seloso ako pero nakalugar naman ako kapag nagselos na at oo, ngayon, nagseselos na ko dahil mas iniisip mo pa si Gabby kaysa sa akin na nasa tabi mo lang" Sabi naman niya

Tama naman siya sa lahat ng sinabi niya pero Bestfriend ko pa rin si Gabby at kahit anong mangyari siya ang nagiisa kong bestfriend

Yinakap ko naman siya at nagsalita

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon