(Chan-chans POV)
Isang linggo na ang nakakalipas ng magsimula kong iwasan si Gabby
Oo iniiwasan ko siya, iniwasan ko siya magsimula nung lumabas kami nila Ethan at nung halikan siya ni Cassandra
Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit bigla bigla na lang naging ganito, dati naman pag ganon kalma lang ako pero bakit ngayon ibang iba na. Ano na ba talagang nangyayari sakin?
"Chan chan"
Bigla naman akong napatingin sa tumawag sakin
"Paglalaruan mo na lang ba yang pagkain mo?"
"Sorry Ethan"
Oo si Ethan ang kasama ko. Nasa labas kami ngayon at kumakain. Sa loob ng isang linggo si Ethan lang lagi ang kasama ko pero sa loob ng isang linggo isa lang ang laman ng isip ko
"May problema ba Chan?"
"Wa-wala naman"
"Sigurado ka ba? parang isang linggo ka ng ganyan, magsimula nung lumabas tayo nila Gabby"
"Wala to" yun na lang ang nasabi ko
"Ok lang Chan, hindi mo kailangan magexplain" ngiti naman
niyaAaminin ko na naging close na rin kami ni Ethan kahit papaano at ibang iba siya kay Gabby pero....
"Oo nga pala Chan, may plano ka ba this coming weekend?" Tanong niya naman
"wala naman, baka sa bahay lang ako, bakit?"
"pwede ba kitang imbitahan?"
"Saan?"
"Its a company party"
"Huh?Pero..."
"Sige na Chan, wala kasi akong maisip na isama na iba kundi ikaw lang"
"Pero Ethan, hindi ako sanay umaattend ng mga ganon"
"Edi mas maganda, makakaexperience ka ng ganong party"
"Pero Ethan...."
"Please?!" Sabi niya with puppy eyes and his matching makaawa style
Hay! Sino pa bang makakahindi sa ganitong mukha?
"Si-sige na nga"
"Yes! Salamat!"
papaano ako pupunta doon ea hindi ko naman alam kung ano yun!
Hay! bahala na nga
>>FF<<
Ngayon na ang party at hanggang ngayon wala pa rin akong suot. Ano ba dapat ang suot sa party na katulad nun? Ok na kaya ung pantalon at polo shirts? Hay nako! Makaligo na nga lang muna!bahala na si batman sa magiging damit ko
(Ethan's POV)
Naghahanda na ko ngayon para sa party
Ano kaya ang suot ni Chan-chan? magdredress kaya siya? maganda naman kasi talaga si Chan-chan kahit ganyan siya
Ibang iba siya sa mga babaeng nakilala ko kaya naman I admire her so much that its gets to the point that I think of her everyday. Its a good thing na pumayag siyang maging partner ko this evening
"Oh anong iniisip mo dyan?" Sulpot naman ni Gabby sa likod ko
"Ikaw pala insan! Wala to!"