(Chan-chan's POV)
Pagtapos ko maghugas ng kamay ay lumabas na ko ng cr at nakita si Ethan na nakasandal sa wall na parang ang lalim ng iniisip
Sana talaga si Ethan na lang ang una kong nakilala. Baka siguro nagbago pa ang nararamdaman ko
"O kanina ka pa dyan?" Dinig kong sabi niya
Hindi ko namalayan na natulala na pala ako sa kanya ..
"Hindi naman kalalabas ko lang. Nga pala, Nameet ko ung mama mo sa loob"
"Sabi nga niya at sinabi din niya umiiyak ka daw"
Patay !
"Ah! Oo, Ang sakit na kasi ng paa ko sa heels ko. Hindi ko na carry to.Masakit na talaga ung paa ko" Dahilan ko naman
"Ganon ba? O sige, Tara!" Sabi niya at binuhat ako na parang bagong kasal
"Hoy Ethan! Ibaba mo nga ako, Saan ba tayo pupunta?" Sabi ko naman at tinapik siya sa balikat
"Wag ka magalaw, Di ba sabi mo masakit paa mo"
"Oo nga pero hindi ko naman sinabi na buhatin mo ko"
"Basta may pupuntahan tayo, relax ka lang" Sabi niya at ngumiti
"O-okay" Sabi ko na lang
Ngumiti naman siya at nagpatuloy na sa paglalakad
Ang bait talaga ni Ethan. Kahit kailan talaga hindi niya ko pinapahirapan.
Sana Ethan ikaw na lang ang unang nakilala ko bago si Gabby. Sana ikaw na lang ung naging bestfriend ko at ang nagustuhan ko. Lamang ka rin naman ng kagwapuhan sa kanya at kabaitan. Gentleman ka pa pagdating sakin
Hindi ko naman namalayan na nakatitig na ako sa kanya at bumalik na lang yun ng magsalita siya
"O baka malusaw ako nyan sa titig mo!" Sabi niya at tumitig din sa akin
"So-sorry" Sabi ko at nagpilit na bumaba sa kanya
Pagbaba ko sa kanya dun ko lang namalayan na nakatayo pala kami sa isang pinto
"Anong gagawin natin dito?"
"Maghahanap ng hindi magpapahirap sa paa mo, tara na!" Sabi naman niya at hinila ako papasok
Pagbukas at pagpasok namin..
(O_O)
Ang Daming Flat shoes!
"Oh Chandria pili ka lang ng kung anong gusto mo" Sabi ni Ethan na nakasandal lang sa pinto
"A-ano to?" sabi ko naman
"Sandals? Flat shoes?"
"Oo nga, Pero anong ginagawa natin dito?"
"Di ba masakit paa mo? Kaya maghanap ka na, Libre lang naman yan" Sabi naman niya
"Hi-hindi, Ok lang Ethan, Nakakahiya naman sa may ari nito" Sabi ko naman
"Ea paano kung sabihin ko sayong ako may ari nito?"
Napatingin naman ako sakanya na gulat na gulat at nanlalaki ang mga mata
Sa-sana hindi tama ang hinila ko na....
Tinuro turo ko naman siya
Bago ko pa man sabihin ung dapat na sasabihin ko ea nagsalita na siya