(Chan-chan's POV)
bwiset na Gabriel to! Sa date niya lang pala ako isasama. Ginawa pa kong chaperon ng kumag na yon!
Ano ako?! bodyguard niya ! naknanglupa! sarap lang tirisin! buti na lang talaga nakatakas ako sakanya at dun sa kurimaw na kasama niya. bahala siya sa buhay niya
Nandito na nga pala ako ngayon sa ministop, kumakain ng ice cream. Nakakainit kasi ng ulo!
Bwisit! nakikipagdate ng kasama ako! Ilang beses ko na nga siyang sinabihan na wag akong isama kapag may date siya
ea hindi naman maganda ung babae! Mukhang hipon na clown sa sobrang payat at ang kapal ng make-up sa mukha !
Hay nako !
Badtrip ka! Badtrip ka Gabriel!
"Ano tititigan mo na lang ba yang ice cream mo?" Sabi ng boses sa likuran ko
Tumingin naman ako sa ice cream na hawak ko at nalulusaw na pala
"Bakit ngayon ka pa nalusaw?! kelangan ko ng malamig alam mo ba yon?" Sabi ko pa sa ice cream
"Kahit naman kausapin mo ang ice cream na yan, hindi sasagot yan miss"
Dun ko na lang naalala na may tao nga pala sa likuran ko. Napatingin naman ako sakanya na nakakunot ang mukha
gwapo sana pero pakielamero
"pwede ba wag mo ko pakielaman, hindi naman kita kilala" supladang sabi ko
"Edi magpapakilala ako, I'm Ethan and you are?"
Tingnan mo to! ang lakas ng apog magpakilala ea wala naman akong pakielam
"Nobody" sabi ko na lang at tinalikuran siya
" ok miss nobody, so now that were officially know each other, can we be friends?" Sabi niya sabay ngiti at upo sa tabi ko
Napatingin naman ako sakanya ulit
Tingnan mo to! Ang kapal kapal ng mukha ! Naniwala talaga siyang un ang pangalan ko. Hindi naman ako sumagot at tumingin na lang ng masama sakanya
"I'll take that as a yes, and since we're friends, ibibili na lang kita ng bagong ice cream, para naman hindi yan ang pinag-iinitan mo"
"Huh?!" un na lang nasabi ko at nagbago ang ekspresyon sa mukha
" sige wait lang bibili ako" sabi niya at tumayo
Ea wala pa nga akong sinasabi ea, pero pwede na rin, kainis na ice cream to, sayang lang pera ko, tapon ko na nga.
Pagbalik nung Ethan sa tabi ko may dala na siyang ice cream at binigay sakin ang isa
"Thank you" sabi ko na lang at kinuha ang ice cream
"So, ano bang problema ng magandang mukha na yan?" Sabi naman niya
" huh?! Ako maganda?! hindi siguro, tingnan mo nga ung suot ko"
"wala naman yan sa kung anong suot mo, para sakin maganda ka" sabi nya at ngumiti
Hindi naman ako agad napaimik sakanya at napatitig na lang. first time ko kasing narinig yon, marinig na maganda ako para sa ibang tao. Nakakagaan pala ng loob matawag na maganda
"Sa-salamat" sabi ko naman at ngumiti
Ngumiti lang naman siya sakin at kumain na rin ng ice cream