(Chan-chan's POV)
Pagtapos ng gabing pumunta si Gabby sa bahay ea hindi ko na rin siya nakita
Tinotoo nga niya ang sinabi niyang hindi na siya magpapakita. Nagkaayus rin naman kami ni Ethan dahil nakapagusap daw sila ni Gabby
Ewan ko kung ano ung sinabi ni Gabby kay Ethan. Hindi ko alam kung sinabi niya na may nararamdaman siya sakin o wala pero totoong nagpaubaya na talaga siya kay Ethan
"Chan-Chan" Tawag sakin ni mama
Nandito kasi ako sa kwarto ko
"Bakit po?"
"May naghahanap sayo sa baba"
"Sino?"
Ngumiti lang naman si mama at sinarado na ang pinto
Sino naman ang maghahanap sakin sa kalagitnaan ng gabi? Bumaba naman ako hanggang labas at nakita ang lalaking nakatalikod sakin
"Gabby?!"
Bigla naman siyang humarap at ngumiti
"Chan"
"Oh Gabby! Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko din naman at ngumiti sakanya
"Gusto ko lang sanang magpaalam sayo"
"Paalam? Saan ka pupunta?" Sabi ko naman na nawala na ang ngiti sa mukha
"Chan, aalis na muna ako. Magpapakalayo layo na muna ako dito. Magiisip isip"
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Hay! Ikaw talaga napaka slow mo" biro naman niya
"Gabriel!" Warning tone ko naman sakanya
"Aalis nga ako, Magbabakasyon sa malayo. Mag aadventure ako sa malayong lugar. Bibisitahin ko ang ganda ng pilipinas" Sabi naman niya ng nakangiti
"Bakit? Kailan ka pa naging adventurous? At saan ka nga sa pilipinas pupunta?"
"Hay nako! Andami mo namang tanong. Hindi ko pa alam kung saan ang first destination ko at ngayon lang ako naging adventurous kasi napanood ko sa tv na maganda sa kalusugan ang pagiging adventurous"
"Ang galing mo! Nakuha mo pang magbiro ng ganyan ea ganito na nga ang kalagayan ko" Sabi ko sa kanya na pumapatak na ang luha
"Ea bakit ba kasi umiiyak ka nanaman? Wala naman akong ginawa sayo. Tama na nga yan" Sabi niya at pinunasan ang luha ko
Tumingin lang naman ako sa kanya ng mga ilang minuto at bigla ko din naman siyang niyakap
"Gabby wag ka ng umalis. Dito ka na lang! Wag ka na magpakaadventurous hindi mo naman bagay yun. Nageexercise ka naman di ba kaya siguradong healthy ka" Sabi ko naman habang nakayakap sa kanya
Alam ko ayaw rin naman niyang gawin to, Pinipilit lang niya dahil gusto niya kong sumaya kasama si Ethan
"Chan-chan, Ano ka ba?! Gusto kong gawin to. Para sa ikakatahimik ng relasyon mo kay Ethan" sabi naman niya
"Pero Gab hindi mo naman kailangang gawin to. Ok na kami ni Ethan, ayos na ung relasyon namin kaya wag ka ng umalis"
"Ano ka ba! Sayang yung ticket na binili ko para sa eroplano. Sayang yung ginastos ko no! Mahal pa naman un" Biro niya pa
Loko loko to!
Umiiyak na nga ako nakuha pa niyang magbiro!
"Gabrielle Andrew" Sabi ko na nakatingin na ng masama sa kanya
