SIY 3

94 3 0
                                    

(Gabriel's POV)

Pauwi na ko ngayon galing sa bahay nila Chan-Chan

Lokong babae un! sabi niya nakauwi na daw ea wala naman sa bahay nila !

Pumunta kasi ako sa bahay nila nung sinabi niyang umuwi daw siya. Iniwan ko pa ung date ko ng dahil sa kanya tapos pagdating ko sa bahay nila wala siya at kanino naman kaya ang kotse ang naghatid sa kanya. Masiyadong pamilyar sa kotse ni....

"Hoy insan!!" Kaway kaway naman ng pinsan ko na nasa harap ng bahay ko

Teka si...




















"Ethan?!" Sabi ko naman ng makita ko siya

"Yow bro! kamusta ka na?"

"Eto ok lang, ikaw? teka! kailan ka pa nandito?"

"Kanina lang, kadarating ko lang kanina but I went straight sa mall"

Nakatira kasi siya sa baguio at huling kita ko pa sakanya ay nung batang bata pa kami. Hindi ko na tuloy siya naipakilala kay Chan-Chan

Speaking of Chan-Chan

Ano na kaya ginagawa ng kumag na yon

"Oh insan, ang lalim naman ng iniisip mo na yan, kararating ko lang tapos iba na kaagad yang iniisip mo" Ethan

"Sorry insan! May naalala lang ako bigla pero wala lang to"

"wala ba talaga? babae yan no?"

"Wala yon ! Tara na nga sa loob, marami ka pang ikwekwento sakin !" Sabi ko naman at naglakad na papasok

"Umiiwas ka lang sa tanong ko ea ! " sagot naman niya habang nakasunod sa likuran ko

Pagpasok namin sa loob, pinagtimpla ko siya ng juice at nakipagusap

"So insan, saan ka magiistay ngayon?"

"Well, if you dont mind baka dito na lang muna"

"Tinatanong pa ba yan?! you can stay here as long as you want"

"Good to hear! gusto rin kitang makabonding, tagal nating hindi nagkita! namiss kaya kita bro!" sabi naman niya at ngumiti

"Loko ka talaga! Ea hanggang kailan ka naman magiistay dito?"

"Hanggang matapos siguro ang bakasyon, nakakainip na sa bahay, sobrang nababagot na ko"

"himala at nagsawa ka sa bahay niyo"

"Oo nga ea"

At sabay pa kaming napailing iling at napangiti sa isat isa. Bigla naman nagring ang phone niya na ikinatingin naming dalawa. Bigla naman siyang ngumiti na parang kinikilig pa

"Hoy Ethan, mukhang kinikilig ka dyan ah, sino yan? girlfriend mo?"

"No! Wala akong girlfriend, but I met this girl at the mall"

wag na kayo magtaka, mabilis talaga kami sa chicks kaya agad niya nakuha ang number

"new chick huh" Sabi ko naman

" well, actually no, she's a little different and that made me admire her" sabi naman niya with matching patango-tango

"Different huh?"

"Ea ikaw ba? Bakit kanina pagdating mo nakakunot yang mukha mo?

"Hay! ung bestfriend ko kasi iniwan ako kanina sa mall, loko loko un! tinaguan ako!" Inis na sabi ko naman

"Wait? you have a bestfriend? is it a girl or a boy?" Usisa naman niya

"Both"

"Huh?" Naguguluhang tanong naman niya

"Sabi ko pwedeng babae pwedeng lalaki, maraming kasarian un" sabi ko naman

" astig yang bestfriend mo, kung sino man siya, ipakilala mo naman ako nang makita ko kung ano ba talaga ang kasarian niya" sabi naman niya na natatawa pa

" sige, pero hindi muna ngayon. medyo may hindi pagkakaintindihn kaming dalawa"

"Sige sige, nga pala insan, may gusto akong ireto sayo, available ka ba?" sabi naman niya

"Ako pa! Syempre no! Basta hindi mo pinaglumaan ah!"

"Sira ulo, syempre hinde! Irereto ko ba sayo kung pinaglumaan ko na?" tawa naman niya

"Sige, kailan mo ba ako maipapakilala?"

"Ikaw kailan mo ba gusto?"

"Bukas, pwede ba?"

"Sige, sasabihan ko siya pero may request din ako sayo insan"

"Ano?"

"Pwede mo din bang dalhin ung bestfriend mo? masiyado akong nacucurious sa itsura niya"

Hindi naman ako nakasagot at nakatingin na lang sa kanya. Hindi ko kasi alam kung papayag yon

"Susubukan ko insan" sabi ko naman

" sige! "

Tumango lang nman ako at ngumiti


Hay nako Chan-Chan. Galit ka ba? dapat ako ang galit sayo dahil ako ang iniwan mo. Dapat ikaw ang lalapit sakin hindi ako pero mukhang ako pa magpapasorry sayo Pero ayus na rin na nandun si Chan-Chan atlis nandyan ang bestfriend ko. sana lang hindi sumpungin ng katok niya!

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon