(Chan-chan's POV)
Nandito na kami sa labas ng party place. Buti na lang pala at inayusan ako ni mama kundi baka nagmukha nga akong tanga. Ewan ko ba pero parang kinakabahan ako pumasok . Siguro di lang ako sanay
"Chandria, anong iniisip mo?" Tanong naman bigla ni Ethan
"W-wala? Medyo kinakabahan kasi ako. Alam mo naman, first time kong pumunta sa ganito"
"Wag ka mag alala Chandria, Hindi naman kita iiwanan"
"Dapat lang naman talaga, teka nga lang" sabi ko naman at biglang kumunot ang noo
"O bakit?"
"Bakit bigla bigla mo na lang akong tinatawag na Chandria ngayon? Ano nakain mo?"
"Wala naman, Mas maganda kasing tinatawag ka sa pangalang Chandria. mas gumaganda ka kapag un ang ipinapantawag ng tao sayo"
"Pano na yan, Mas sanay akong tinatawag na Chan-chan kaysa sa Chandria?"
"Alam mo Chandria, pwede namang baguhin un di ba. Masasanay ka rin sakin na tinatawag kang Chandria. Nagmumukha ka kasing lalaki kapag Chan-chan and besides nasa party tayo kaya mas magandang tawagin kita sa totoo mong pangalan di ba?" Sabi naman niya
"Hay! O sige na nga hindi na ko kokontra mr. Ethan" Sabi ko naman
" good! So, ano? Tara na ?"
"Si-sige" Kabadong sabi ko naman
Bababa na sana ako ng sasakyan niya ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko
"Relax ka lang, Ako bahala sayo ok" Sabi niya at ngumiti
Ngumiti naman ako pabalik sa kanya at bumaba na rin
Papasok na kami ngayon sa loob. Sa hotel nga pala ang venue ng party. Grabe lang! sa Hilton hotel talaga ang venue?! Bongg naman ang nagpaparty nito!
"Ethan, ang bongga naman ng nagpaparty dito! Milyonaryo siguro no" Sabi ko naman sakanya habang naglalakad kami papasok
Nagsmirk naman siya at tumingin sakin
"Oo nga ea" sabi naman niya
"Kilala mo ba kung sino ang nagpaparty dito?" Tanong ko naman
"Oo naman"
"Sino?"
Tumingin lang siya sakin at ngumiti
"malalaman mo rin pero bago mo malaman, ayusin mo muna kaya ung lakad mo. Mukhang nahihirapan ka" sagot naman niya ng tumatawa
Naspeechless naman ako sa sinabi niya kasi totoo. Ang sakit sakit na ng paa ko, Wala pa nga ako sa kalagitnaan ng hallway na to pero hirap na hirap na ko
"Wag ka mag-alala Chandria malapit na tayo" Sabi niya at ngumiti
Ngumiti lang din naman ako sakanya
Naglalakad lang naman kami sa hallway ng may naaninag akong dalawang lalaki na nakatayo sa harapan ng pinto. Ito na ba ung party?
Nang makalapit kami sa pintuan
"Hello mr. Ethan and ?" Sabi nung isa at tumingin sakin
"Chandria" Sabi ni Ethan
"And welcome ms. Chandria" Pagpapatuloy naman nung lalaki
Ngumiti lang naman ako
"Andyan na ba sila dad??" Si Ethan
"Yes sir, Kanina pa po nila kayo hinihintay"