last chappy na po!!!!
sana magustuhan niyo ung ending!
===========================
(Chan-chan's POV)After 5 months
Mahigit limang buwan na magsimula ng umalis si Gabby at hanggang ngayon wala akong balita sa kanya
Kami ni Ethan, break na kami. Hindi ako ung nakipag break kundi siya. Tinanung ko kung bakit nakikipagbreak siya pero wala siyang maisagot sakin. But we remained friends after all. Siya nga ang lagi kong kasama ngayon dahil nga wala si Gabby
Wala akong balita sa mokong na yon, Hindi ko nga alam kung saan nagpunta. Tinitext ko pa rin naman ung number niya sa phone ko pero mukhang nagpalit naman siya ng number dahil hindi naman siya nagrereply
Nasan na kaya si Gabby? Buhay pa kaya siya? Sana naman oo
At aaminin ko na mahal ko pa rin siya at hindi pa rin nagbabago un. Kung paano ko siya minahal noon ganon ko pa rin siya kamahal ngayon kaya sana bumalik na siya At kung tatanungin niyo kung anong nangyari kay Cassandra? Ayun bumalik sa Baguio para mag aral ulit. Tinanung ko kung alam niya kung nasaan si Gabby pero hindi rin niya alam
Gusto rin sana niyang magpaalam dahil baka matagal tagal siyang hindi magpakita samin dahil sa course na kinuha niya sa college. Back to school na rin pala namin at marami na rin akong bagong kaibigan
Im currently in my 4th year college at Arts ang course ko
Sana nandito si Gabby para sabay kaming pumapasok.
Matagal tagal na rin siyang wala and I admit na sobrang miss na miss ko na siya
Kailan kaya siya babalik? Ano na kayang itsura niya ngayon?
Sa loob kaya ng limang buwan may nagbago sa kanya?
Hay Gabby! Sobrang miss na miss na kita! Sana nandito ka na...
"Hoy Chandria!" Napalingon naman ako sa tabi ko
"O bakit Ethan? tagal mo hindi nagpakita huh?! Saan ka ba nagpupupunta?"
Ang tagal ng hindi nagpakita sakin ng lalaking to. Napakabusy niya this past few days
"Namiss mo ko chandy no?" Sabi naman niya na parang nanglalambing
"Syempre naman. Bigla bigla ka na lang nawawala ea"
"Sabi ko na nga ba ea namiss mo ko di bale mas namiss naman kita" sabi niya at inakbayan ako
"So ano na nga, Saan ka nagsususuot at bigla bigla ka na lang nawawala?"
"May hinanap kasi ako, Isa sa kliyente ni dad. Pinakumbinse niya kasi sakin na pumirma ng kontrata sa company at para sa ikasasaya ni dad kaya ayun ginawa ko. Sorry huh! Sobrang nabusy ako. Alam mo naman, Tagapagmana" Sabi naman niya na parang wala siyang choice
"Wow! Ang hangin hangin naman dito"
Ngumiti lang naman siya at tumitig sakin
"O bakit ganyan ka makatingin? May problema ba?"
"Wala naman, Namiss lang kita, Payakap naman oh"
Yinakap ko naman siya at yinakap niya lang din naman ako
Alam niyo ba ung pakiramdam na parang may hindi tama. Ang bigat kasi ng yakap ni Ethan. Parang may gusto siyang ipahiwatig
"Hmmmn, Bye Chandy" Dinig kong sabi niya
Kumalas naman ako sa kanya
"Oh! Kararating mo lang aalis ka na?" Tanong ko naman
Nagsmirk lang naman siya at tumingin sakin