SIY 10

84 3 0
                                    

(Chan-chan's POV)

Pagtapos ng nangyari sa picnic ground hindi ko na maintindihan ang sarili ko. After that picnic nabalitaan ko na lang kay Ethan na nakipagbreak na si Gabby kay Cassandra. Ewan ko pero I get this feeling na parang kasalanan ko kung bakit naghiwalay silang dalawa at kung bakit pareho silang nasasaktan

At after din pala ng break up nila tumino na si Gabby, wala na siyang mga babae katulad dati. Sabi ni Ethan nagfocus daw si Gabby sa paglalaro ng computer games ngayon

Tuluyan na nga sigurong nagbago si Gabby at tuluyan na rin niya sigurong binura ang pagiging magbestfriend namin

"Chandy" tawag naman ni Ethan sakin

Hindi ko napansin na nakatulala nanaman pala ako kaya tumingin na lang ako agad sakanya

"H-huh?!"

Mukha naman siyang nainis dahil bigla na lang siyang nagkamot ng ulo

"Pagaawayan nanaman ba natin to?" Tanong niya at tumingin sakin na naiinis

"Ang ano?! Wala naman akong ginagawa"

"Anong wala, Iniisip mo nanaman si Gabby. Puro na lang si Gabby! Nandito nga ako pero si Gabby naman yang nasa isip mo. Kung hindi mo nga lang ako boyfriend baka inisip ko ng inlove  ka sa pinsan ko" Sabi naman niya na naiinis na talaga

First time kong nakita na ganito kainis si Ethan. Hindi naman siya ganyan noon

"Sorry na" sabi ko naman

"Hindi Chan! Iba na ea, Puro na lang Sorry at minsan nakakasawa na rin"

"Ea anong gusto mo? Nagsorry na nga di ba?"

"Ikaw! Ikaw ang gusto ko, nasaan na ba ang Chandria na nakilala ko noon? Ung Chandria na napakamasiyahin at hindi bigla biglang nawawala sa sarili niya dahil sa bestfriend niyang wala namang pakielam sakanya"

"Ano?! Anong sinabi mo?" Sabi ko na napatayo na sa kinauupuan ko

"Bakit Chandria?! Hindi ba totoo?! Sobra sobra munang iniisip si Gabby na minsan pakiramdam ko mas mahal mo pa siya kaysa sakin" Sabi niya na napatayo na rin

"Ethan napaka non sense naman nito! Bestfriend ko si Gabby at kahit pagbaliktarin mo pa ang mundo, siya pa rin ang bestfriend ko"

"Un na nga ang sinasabi ko ea, Sobra mong mahal yang bestfriend mo na nakalimutan muna na may boyfriend ka na"

Natahimik naman ako sa sinabi niya

Ganon na ba ako kahalata pagdating kay Gabby na humantong sa sobrang pagkagalit ni Ethan?

Kasalanan ko to ea!

"Ethan, Sorry na! Sorry na talaga!" Sabi ko at yumakap sa kanya na medyo lumuluha na

"Chan, Maybe......We need some space apart"


(O_O)



Space?

"Anong ibig mong sabihin Ethan??" sabi ko at kumalas sa pagkakayakap sa kanya

"Chandria siguro kailan mo munang magisip kung mahal mo ba talaga ako o hindi"

"Ethan mahal kita! Mahal kita!"

"Sana nga puso mo ang nagsabi niyan dahil pakiramdam ko hindi ea. Kailan mong magisip isip Chan at alamin kung ano ba talaga ang sinasabi ng puso mo. kung sigurado ka na talaga sa nararamdaman mo dun na lang siguro tayo ulit magusap" sabi niya at lumabas ng kwarto ko

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon