CHAPTER TWO
SASSA
Sobrang bigat ng kalooban ko kung kaya't nagawa kong ikwento kay Leon lahat. Pati na rin ang mga pinagdaanan ko sa America at ang sa amin ni Jed. Ang tanging hindi ko lang naikwento sa kanya ay ang paggalaw sa akin ni Jed bago nya ako hiwalayan.
Galit na galit si Leon. He wiped my tears with his two thumbs at niyakap ako.
Medyo gumaan na rin naman ang kalooban ko sa pagkukwento kahit na nga ba hindi iyon ang kabuoan ng lahat.
Habang tumatagal ay mas lalo akong nagagalit kay Jed. Sa sobrang galit ko ay hindi ko na alam kung paano ko sya haharapin. Kailangan kong paghandaan ang araw na 'yon.
Nadalas naman ang pagdalaw sa akin ni Leon. Kaya naman hindi ako masyadong nabo-bore. Ang inaasikaso ko ngayon ay ang pagpapalayas ko kanila Olga.
Kakauwi ko lang galing sa hearing ng kaso. Sooner ay lalayas na ang mga kampon ng kadiliman sa bahay namin. Pinabayaan na nila iyon.
Magpapahinga muna ako sandali at tutungo na ako sa Villegas Corp. para sa meeting. Simpleng crimson off-shoulder dress lang ang sinuot ko with a pair of white wedge.
"Roger, sa Villegas Corp. tayo." Ani Hera kay Roger.
Magkikita na naman kami ng matandang 'yon. I need to compose myself. Control yourself, Sassa. Everything's going smoothly according to plan. Kailangan kong maagaw ang Villegas Corp. sa kanila.
Nag-ring bigla ang phone ko. It's Leon calling kaya agad ko namang sinagot.
"Hey..." I started.
"Where are you? Bumalik ako rito sa bahay mo hoping we could eat lunch together." Aniya.
"I'm on my way to Villegas Corp. In fact, malapit na kami." I heard him sighed. "I'm sorry Leon, maybe we can try it some other time. May meeting kasi."
"No, that's not it. Sigurado ka na ba talaga dyan sa gagawin mo, Sassa?"
Nabanggit ko na kay Leon ang mga plano ko. I thought after telling him my story ay kakampihan nya ako but he did not. He tried to stop me but no one...not even him can make me stop. Ngayon pang umaayon sa akin ang pagkakataon.
"I'm sorry, Leon."
Iyon na lang ang nasabi ko before ending the call. Bumaba na ako at dumeretso sa loob. Everyone is greeting and bowing their heads on me. Syempre I need to play nice to gain their trust.
Nang pumasok ako ng elevator ay nahagip ng mata ko ang isang matangkad na lalaki na naka-corporate attire. Bago sumara ang elevator ay nagtama ang paningin namin. I know he saw me with shock on his face. I grinned.
We met again, Jedidiah Froilan Villegas.
Antok na antok ako habang nakikinig sa usapan ng mga investors sa meeting. Honestly, I am not interested. Pasasaan pa ba at mapapasakin rin ang kompanyang ito?
"Ms. Carter, kanina ka pa hindi nagsasalita? Is there a problem?" Tanong ni Mrs. Tan.
"Wala. I am just listening." Sagot ko.
"Ganyan talaga si Ms. Carter, she's a woman of few words when it comes to business." Mr. Santos complimented.
"Yeah. So...ano nga ulit 'yon? Going to launch a Toy Store?" I asked.
"Yes, Ms. Carter, what do you think?" Balik tanong ni Mr. Villegas.
"Well, I'm on it." I said smiling.
Nang ako na ang sumang-ayon ay nag-agree rin ang lahat. Maybe they are all depending on me. Tingin ba talaga nila business geek ako? Hell no. Natapos ng maayos ang meeting at lumabas na rin ako ng kwarto.
BINABASA MO ANG
The Love of Jedidiah | COMPLETED
RomanceNiloko. Sinaktan. Ipinagtabuyan. Puno ng pasakit ang nakaraan ni Sassa. She was broken at ang taong akala nya ay ang natitira nyang pag-asa, ay isa rin pala sa kanila. Now that she came back, wala syang ibang gusto kung hindi ang makapaghiganti sa m...