CHAPTER SIX

361 17 4
                                    

Dedicated ito kay @SylCarter . Hello, kulit hahah. Jedidiah nga pala 'yong pic na nasa media section.

CHAPTER SIX

SASSA

Nakaisip na ako ng panibagong plano. Kailangang maging mabait ako kay Jed. Sya ang gagamitin ko para sa sarili nyang ikababagsak.

Kahapon ay inaya nya ako mag-lunch. Syempre pumayag ako. Kinausap ko muna si Mr. Villegas tungkol sa project na gusto nyang gawin. Sa Friday na nga iyon. Naisip ko lang naman na paasahin lang si Jed.

Hindi naman ako pwede talaga ng lunch kahapon kasi kasabay ko si Leon. Sa bahay kami kumain. Tumungo ako sa office nya at sa may pintuan pa lang ay nakasalubong ko na sya.

Masayang masaya sya.

"Oh! I'm sorry. So...l-let's go?" Aya nya.

"Sorry, Jed pero hindi pala ako pwede ngayon." I tried to sound apologetic.

"Huh? B-Bakit?" Biglang lumungkot ang boses nya.

"May lalakarin kasi akong importante. I'm sorry."

"Uhh...okay lang. Sige. Uhh...do you need a ride?" He offered.

"No, thanks. I have my car with me. Sorry talaga, Jed." I pouted.

"No, it's okay." Nakangiti nyang sagot.

"Next time, Jed. Sorry talaga."

Nabwisit ako ng konti. Why did he have to be so nice yesterday? Akala nya ba ay madali nya kong mauuto dahil lang doon? Hah! Over my dead body.

Nahiga ako sa kama at tumingin ng deretso sa may kisame. Wala akong masyadong gagawin ngayon. Sa Friday ay Grand Opening na ng Funtime Galaxy. 'Yong toy store na project ni Tanda. May celebration sa Villegas Corp. ng 8PM. Wala akong escort. Si Leon kaya?

Nagpahinga na lang ako maghapon dahil balak kong pumunta ng Denver Club ngayon. Wala naman akong gagawin. At nang kinagabihan nga ay nag-ayos na ako suot ang above knee fitting dress na kulay maroon at ang favorite five inches primadona heels ko.

Ang ingay at ang daming tao. What will I expect? Silly me, of course this is a night club. Naupo ako sa may pinakasulok kung saan hindi ako gaanong maiistorbo.

"Sassa?" Tawag ng isang lalaki. I faced him.

"Yes?" Ani ko.

"Ikaw nga. Nice to meet you, I'm Cedric, Jedidiah's friend." Nag-abot sya ng kamay. We shook our hands.

"Nice to meet you. Sassa...I'm Sassa Carter." I smiled.

"You look gorgeous."

"Thanks. Are you having fun?"

"Yes, I am. Oh, have you and Jed seen each other already?" Tanong nya. Umiling ako.

"Wait, I'll call him." Umalis sya.

Napairap ako. I'm doomed. Akala ko pa naman makakapagsaya ako ngayon.

"Sassa." Came Jed's voice.

"Oh, hi, Jed!" I tried to sound cheerful.

"Are you alone?" He asked.

"Yeah, I think I am?" I chuckled.

"Nga pala, these are Tyrone and Cedric, my buddies. Bro's, she's Sassa."

"Please to meet you." Tyrone and I shook hands.

Nagkakwentuhan kami ng mga friends nya saglit until they decided to go back on the dancefloor. Naiwan kaming dalawa ni Jed. Tahimik lang sya.

The Love of Jedidiah | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon