PROLOGUE
Habang umiiyak ay isa-isa kong pinupulot ang mga damit ko. Halos hindi ako makatayo dahil sa sakit ng katawang nararamdaman ko. Hindi ko akalaing magagawa sa 'kin ni Jedidiah ito, kita ko sa mata nya ang galit habang ginagawa nya sa 'kin 'yon. Galit saan? Hindi ko alam. Pinilit nyang may mangyari sa amin. Ang masakit ay wala akong nagawa kung 'di ibigay ang sarili ko.
"Let's break up." Aniya sa madiing boses.
Nagtindigan ang mga balahibo ko sa narinig ko mula sa kanya. Nilingon ko sya at blanko lang syang nakatingin sa akin. Mas lalo pang umagos ang luha ko. Mali ba 'ko ng naririnig?
"Anong sabi mo, Jed?" Tanong ko.
"I said let's break up." Ulit nya at parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko.
"B-Bakit?"
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya. Hindi ko kayang mawala sa 'kin si Jed, mahal na mahal ko sya. Mas humagulgol pa ako at hindi ko na talaga kinakaya pa ang mga nangyayari ngayon.
"Gusto ko lang na mag-break na tayo, mahirap ba intindihin 'yon, Sassa?" Sabi nya habang tinatanggal ang mga braso ko sa kanya, para bang pinandidirihan nya 'ko.
"Oo, Jed, sobrang hirap intindihin! Ano, ganon na lang 'yon? Pinilit mong may mangyari sa atin tapos ngayon makikipaghiwalay ka?" Umiiyak kong sigaw.
"Oo. Ganon nga. Hindi na kita mahal, Sassa!"
Natulala na lang ako habang umiiling-iling. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Malapit na kaming mag-apat na taon. Bakit, Jed? Wala talaga akong naiintindihan.
"Jed, may nagawa ba 'kong mali? Sabihin mo sa 'kin. Mahal na mahal kita, Jedidiah. Hindi ko na kakayanin kapag nawala ka pa sa 'kin." Ani ko habang tuloy ang pag-agos ng mga luha ko.
Sya na lang ang meron ako. Ano ba 'tong nangyayari? Gusto ko na magising kung bangungot man ito.
"Break na tayo, okay? Wala ng tanong." Sabi nya at umalis na ng kwarto.
Wala na 'ko sa sarili ko nang umuwi ako. Hindi tinatanggap ng sistema ko ang mga nangyayari sa akin ngayon. Pagkarating ko ng bahay ay problema pa ang sumalubong sa akin.
"Sassa, narito ka na pala. Mag-impake ka na at aalis ka na bukas." Ani Tita Olga.
"Ha? P-pinapalayas nyo po ba 'ko, Tita Olga?" Gulat kong tanong. Bahay namin 'to.
"Hindi. Pupunta ka na ng America. Sya si Roxanne, kaibigan ko. Sya na ang bahala sa 'yo roon." Pakilala nya sa kasama.
"P-Pero parang biglaan naman po yata? Ayoko po, Tita Olga." Hinawakan ko sya pero tinabig nya ang kamay ko.
"Anong ayaw?! Aba, malaki ang kikitain mo roon!"
"Pero Tita...tapos naman po ako ng kolehiyo, fresh graduate po ako. Sigurado naman na mas maraming oportunidad ang---"
"Hindi! Mas malaki ang kikitain mo sa America, dolyar ang makukuha natin, hindi ka ba nag-iisip? Tsaka naayos na ang lahat, 'wag ka na nga magreklamo."
"Ano bang gagawin ko sa America? May naghihintay po ba sa 'kin don?"
"Magpopokpok ka roon!" Sagot ni Anja, pinsan ko.
Kinabahan ako sa narinig ko. Nagmakaawa ako kay Tita Olga pero hindi nya ako pinakinggan. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
Hindi ako nakatulog ng gabi na 'yon. Alas singko ng madaling araw ay binitbit ko lahat ng gamit ko. Pumunta ako sa condo ni Jed. Kinatok ko sya ng kinatok pero hindi nya ako hinarap. Wala na ba talaga, Jed?
Bumalik na lang ulit ako sa bahay at naabutang gising na ang mag-ina. Sinabunutan ako ni Tita Olga papasok ng kwarto.
"Tatakas ka pang palamunin ka! Ayan, dyan ka! Mamaya narito na si Mareng Roxanne! Mag-ayos ka na!" Singhal nya at ni-lock na ang pinto mula sa labas.
Umiyak lang ako ng umiyak. Pumasok sa isip ko ang bestfriend kong si Leon. Dapat pala sya na lang ang pinuntahan ko. Hindi ko mapigilang hindi isipin si Jed. Walang hiya ka, Jedidiah. Gagantihan kita. Pagsisisihan mo ang ginawa mo sa 'kin. Babalikan kita.
BINABASA MO ANG
The Love of Jedidiah | COMPLETED
Roman d'amourNiloko. Sinaktan. Ipinagtabuyan. Puno ng pasakit ang nakaraan ni Sassa. She was broken at ang taong akala nya ay ang natitira nyang pag-asa, ay isa rin pala sa kanila. Now that she came back, wala syang ibang gusto kung hindi ang makapaghiganti sa m...