CHAPTER TWENTY NINE
SASSA
Few months later.
"Leonard, nasan ka na?"
Kausap ko sa kabilang linya si Leon. Usapan namin ay 8AM kami bibisita kay Jed. Ilang buwan na ang lumipas ngunit hindi pa rin sya nagigising. Karga ko ngayon ang anak namin. We all thought I'd be having a baby boy. Well, she's a healthy baby girl. Hindi ko talaga binalak na magpa-ultrasound noon dahil ang gusto ko ay maging surpresa ang gender ng bata. Now, I got a beautiful baby girl. Kamukhang-kamukha nya ang tatay nya.
Unti-unti na akong nasasanay na wala si Jed sa tabi ko. Natatakot akong isang araw ay magising akong hindi ko na sya mahal. Pwede bang mangyari 'yon?
"Sorry na. Sobrang traffic dito. Sorry talaga." Anang naiiritang si Leon sa kabilang linya.
"Sige. Dederetso na ako kanila Jed. Sumunod ka na lang."
"Are you sure?" May pag-aalala sa boses nya.
"Yup. Ingat ka, ha. 'Wag ka na maghadali. Sige na, bye."
"Okay. Sorry talaga. Bye. Ingat kayo ni Jeddie."
Five months old na si Jeddie at talagang sobrang kulit na. Mas favorite pa nga nya si Leonard kaysa sa 'kin, kaiyak. Natutuwa naman ako kahit ganon. At least she has somebody in a father figure by her side.
Kailan kaya gigising si Jedidiah? Isang tanong na mahigit isang taon na akong pinahihirapan.
"Behave ka later, Jeddie. Pupunta ulit tayo kay Tatay." I told her and she innocently blinked her eyes.
Gusto ko talagang ang itawag nya sa amin ni Jed ay nanay at tatay. I like the sound of it. It's very native and respectful.
It took us almost two hours of drive bago kami nakarating sa bahay nila Jedidiah. Binuksan ng mga security guard ang gate at pinapasok ang kotse namin. We've been so frequent here so talagang kilala na nila kami.
Ang mga katulong ay nagyukuan ng makita kami. I hate it when they are doing that even though it's for a matter of respect. Ayoko na lang talaga ng pakiramdam na sobrang ginagalang. Hindi naman ako reyna. Gusto ko ay casual lang. 'Yong bang ngitian lang nila ako at batiin ay ayos na.
Nakasalubong ko naman sa hagdan si Mr. Villegas na nakakunot ang noo nang makita ako. Lumipat ang tingin nya kay Jeddie at lumambot naman ang ekspresyon nya. He may hate me...pero hindi ang apo nya.
"Bless ka kay Lolo, Jeddie." Inilapit ko sya kay Mr. Villegas.
Hinawakan naman ni Mr. Villegas ang ulo ng apo nya. Sa kalooban ko ay nakaramdam ako ng saya. Hindi maitatangging kay Jedidiah ang bata dahil kuhang-kuha nito ang labi at mga mata nya.
"Akyat na kami." Ani ko at tumango lang si Mr. Villegas.
Umakyat na kami sa taas at dumeretso sa kwarto ni Jedidiah. Naroon sya at nakahiga. Araw-araw ay ganito ang tagpo. Habang tumatagal ay mas lalong nagiging normal ang lagay ni Jed. Nakapagtataka at hindi pa sya nagigising.
Inihiga ko sa gilid nya si Jeddie na bigla namang dumapa at nilaro ang mukha ng tatay nya.
"Jeddie, behave ka lang. Magagalit si Tatay." Natatawa kong sabi.
Buti nga at hindi iyakin ang baby namin ni Jedidiah. Naiiwan ko nga sya sa kuna ng hindi umiiyak. Iiyak lang sya kapag nagugutom. Hindi sya katulad ng tatay nyang iyakin.
Kinarga ko si Jeddie at inilagay muna sya sa kuna sa gilid. Meron syang crib dito sa kwarto ni Jed. Minsan kasi ay bumababa ako kaya iniiwan ko muna sya. Ngayon ay kailangan kong linisin si Jed ngunit nakalimutan na naman ng mga katulong na mag-stock ng liquid soap.
BINABASA MO ANG
The Love of Jedidiah | COMPLETED
RomanceNiloko. Sinaktan. Ipinagtabuyan. Puno ng pasakit ang nakaraan ni Sassa. She was broken at ang taong akala nya ay ang natitira nyang pag-asa, ay isa rin pala sa kanila. Now that she came back, wala syang ibang gusto kung hindi ang makapaghiganti sa m...