CHAPTER THIRTY TWO
SASSA
Okay na rin na narito ang babaeng 'yon. She might help Jedidiah to remember everything. I just let her because I'm really itching to know what is the truth. Naging sila ba talaga?
Kasunod ko naman agad sa kwarto si Yvonne. Nakabusangot sya at inis na naupo sa kama ko.
"Ang kapal talaga ng Yvonne na 'yon! How dare she?" Aniya at inis na sinabunutan ang sarili.
"There's nothing that we can do. She's already here. But Yvonne...wala ba talagang nabanggit si Jed sa 'yo? And why didn't you tell me about this?" I asked in frustration.
"Wala syang nababanggit. Hindi ko sya tinanong dahil medyo nainis din ako sa kanya noong mga panahon na 'yon. I actually thought they were dating because that girl was always with her. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na tanungin si Jed dahil sa inis ko o sa posibilidad na baka sila nga. Hindi kami masyadong nag-usap ni Jed noon. Naging close na lang ulit kami nang mawala na si Hailee. Though, hindi ko pa rin ginustong malaman kung naging sila ba." Paliwanag nya.
"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin 'yon?"
"Cause I don't want you to make a deal out of it. Everything was going smooth between the two of you. At ayokong sirain 'yon. I don't want you to leave him again." Saad nya at naglayo na ng tingin.
Naiintindihan ko si Yvonne. Ayokong ibuhos sa kanya ang frustrations ko dahil lang hindi ko masisi si Jedidiah. Tumungo sya sa crib at kinarga si Jeddie.
Hindi na yata talaga ako titigilan ng problema. Isa-isa silang naglalabasan kahit hindi ko pa natatapos ang nauna. I hate to think of it pero kung hindi lang dahil sa anak ko ay parang gusto ko ng sumuko.
I need to give him the benefit of a doubt but...it's just too complicated. Sobrang nabubugbog na ang puso ko. Gusto ko ng tumakbo palayo. But I have my daughter. How?
"Be strong, Sassa. I know you feel like giving up but please, be strong. For Jeddie." Yvonne said as she kissed my daughter on her forehead.
"I don't know, Yvonne. Nakakapagod din kasi minsan. But of course, I'm still fighting because of our daughter. Sunud-sunod na lang kasi ang mga nagiging problema. Sobrang bigat na sa kalooban na kung minsan ay nakakalimutan ko na kung gaano ko kamahal ang pinsan mo." I said wearily.
"Naiintindihan ko. Kung ako nga siguro ang nasa sitwasyon mo ay baka sumuko na 'ko. You are a strong and independent woman, Sassa. Alam kong malalagpasan mo rin ang lahat ang mga problemang meron ka ngayon."
Handa si Jedidiah na maalala ang lahat. Ang hirap lang kasi isipin na mag-isa lang akong lumalaban ngayon. Nalilimutan ni Jedidiah na kailangan nyang maalala na mahal nya ako. He's too focus in regaining all of the memories he lost in general. Lumalaban sya para sa sarili nya habang ako ay lumalaban para sa aming dalawa.
Napapagod lang naman ako. Hindi pa rin ako susuko. Kailangan ako ni Jed. Kailangan sya ng anak namin. Kailangan ko silang dalawa. Hindi maaagaw ng iba sa 'kin si Jedidiah.
"Naging sila kaya talaga? Hindi ka naman siguro ipagpapalit ni Jed ng ganoon kabilis. I mean...Jedidiah was too broken to even welcome another woman in his life. I wonder if she's telling the truth." Yvonne said suspiciously.
Dahil sa presensya ng Hailee na 'yon ay hindi ko na nakakasama pa si Jedidiah. Masyadong papansin ang babae na 'yon kung kaya't madali nyang nakukuha ang atensyon ni Jed. As for my fiancé, pakiramdam ko ay may gusto sya kay Hailee.
The way he looks at her. Halata mong interesado sya rito. At sino ba ako para kumontra sa nararamdaman nya. He doesn't even remember me. Pero hindi ko sya isusuko. Jedidiah will surely find his way back to me again.
BINABASA MO ANG
The Love of Jedidiah | COMPLETED
RomansaNiloko. Sinaktan. Ipinagtabuyan. Puno ng pasakit ang nakaraan ni Sassa. She was broken at ang taong akala nya ay ang natitira nyang pag-asa, ay isa rin pala sa kanila. Now that she came back, wala syang ibang gusto kung hindi ang makapaghiganti sa m...