CHAPTER THIRTY THREE
JEDIDIAH
Sa bawat araw na nagdadaan ay palagi kong tinatanong ang sarili ko. Kailan kaya? Kailan ko maaalala kung gaano ko kamahal si Sassa? Hailee's here with me claiming to be my ex-girlfriend. And according to Sassa, sinabi ko raw na wala akong naging iba bukod sa kanya.
Was I being an as*hole?
Nagsinungaling ba ako kay Sassa? These passed few days, the way she looked at me...parang hindi na 'ko mahalaga sa kanya. Hindi na nya 'ko masyadong kinakausap simula noong araw na umalis si Leonard sa rest house nila Cedric noong nasa Visayas kami last week.
I can't remember how much I love her but I am hurting seeing her snob me that way. It's like I want her attention. And I am always having this feeling that I need to be with her. That I want her to be with me. Hindi ko maipaliwanag.
Nagising ako isang umaga and I immediately checked her in her room. Wala na sya roon. I found her in the garden with our daughter, Jeddie.
Hindi ko kayang ikaila na hindi akin ang bata dahil kamukhang-kamukha ko ito. At isa pa, wala naman akong balak gawin 'yon dahil sigurado akong anak ko si Jeddie.
"Sassa..." She looked at me and smiled faintly.
"Good morning, Jed. Eat your breakfast." Aniya at nilaro ang anak namin.
"Hindi ba ulit tayo magsasabay?" I asked disappointedly.
"Kumain na 'ko. Sige na, ipaghahanda ka ni Manang Esther."
Dang! I hate it. Why am I feeling so neglected?
Hailee will be here any moment. Lagi nya akong binibisita and honestly, I am having a crush on her which seems so wrong dahil may fiancée na ako.
Pakiramdam ko naman ay unti-unti ko ng naaalala ang pakiramdam kung gaano ko pinahahalagahan si Sassa. Pero hindi ko makapa sa damdamin ko ang pagmamahal na meron ako sa kanya noon. Bakit ba kasi kailangan kong magka-amnesia? Bakit ako pa?
Napalingon ako sa may labas ng gate at nahagip ng paningin ko ang isang malaking lalaki na nakasombrero. Animo'y nagmamasid ito mula sa labas ng bahay namin at nang mapansin nyang nakatingin ako ay dali-dali syang umalis. Sino ang lalaking 'yon? Pamilyar ang mukha nya sa 'kin.
"Jed, bibista kami ngayon kay Leonard. Pupunta na rin naman si Hailee rito. May kasama ka naman at may mag-e-entertain sa 'yo." Sabi nya at naglakad na papasok sa loob.
Bago pa sya makalayo ay hinawakan ko na sya sa balikat. Nilingon nya ako. Why am I hurting so much?
"You were with Leonard yesterday. Bakit pupunta na naman kayo sa kanya?" Tanong ko.
"Jedidiah, please." Tanging sagot nya.
"I am Jeddie's father and I am your fiancé. Dapat ay ako ang kasama mo." Hindi ko napigilang sabihin. She smirked which made me so nervous.
"Tama naman. You can take Jeddie with you. Karapatan mo 'yon. Pero ako? I have choices. Parang ikaw. Kung paano mo laging pinipili si Hailee over me. Kapag nandyan sya ay lagi na lang akong balewala. You can be with her hangga't gusto mo at hindi kita pipigilan. Kaya naman 'wag mo rin akong pipigilan kung gusto kong makasama si Leonard." Mariin nyang tugon.
"So you're giving me up." I said bitterly.
"Do you want the truth or you want me to lie?" She asked intensely.
"Sassa..."
"Mahal kita, Jedidiah. But I'm tired...I need some rest. Sunud-sunod na ang mga nagiging problema. Hailee is claiming to be your ex-girlfriend. Ayokong maniwala dahil sinabi mo sa 'kin noon na wala kang naging iba bukod sa 'kin. You've always been so honest. But now? You're giving me enough reason to believe you were once with her. So...please, Jed. Please."
BINABASA MO ANG
The Love of Jedidiah | COMPLETED
RomansaNiloko. Sinaktan. Ipinagtabuyan. Puno ng pasakit ang nakaraan ni Sassa. She was broken at ang taong akala nya ay ang natitira nyang pag-asa, ay isa rin pala sa kanila. Now that she came back, wala syang ibang gusto kung hindi ang makapaghiganti sa m...