Dedicated kay Kashmere Marie Santos ang chappy na 'to! Thank you sa paghihintay ng matagal hahaha.
CHAPTER SIXTEEN
SASSA
"Manang, okay na ba 'yong roasted chicken?" Tanong ko habang pinapabaga ang uling para sa barbeque.
"Malapit-lapit na. Anong oras ba darating si Sir Jed, Ms. Sassa?" Tanong nya.
"Walang exact time na sinabi but he said sa text na before lunch daw."
Gusto ko mag-lunch dito sa garden. Biglaan ko lang na naisip. Sumilip ako sa relo ko at nakitang 10:20AM pa lang. Maaga pa pala. Nagpagawa rin ako kay Manang ng talulu. 'Yong kanin na nakabalot sa dahon ng saging? My mom used to make that for us back then. Nakaka-miss talaga.
"Grabe, ang hirap namang magpabaga." Reklamo ko.
"Ako na nga." Came Jed's voice.
"Oh, Jed, there you are! Wait, hindi pa nakahanda lahat. Ang aga mo."
"Naramdaman ko kasi na kailangan mo ng tulong ko." Nakangiti nyang sabi.
"Echosero." I rolled my eyes.
Matulin nyang napabaga ang mga uling at ipinatong na nya sa grill ang mga barbeque. Nakatitig lang ako sa mukha nya. Medyo nakaka-insecure ang eyelashes nya.
I shook my head at nagpunta na lang ng kitchen. Tinapos ko na ang paghihiwa ng mga saging na saba dahil gagawa ako ng minatamis. Hindi naman ako mahilig magluto at gumawa ng mga ganito pero I know what I'm doing. Number one fan ako ni Mama sa kusina.
"May ano po ba talaga ngayon, Ms. Sassa? Monthsary nyo ba ni Sir Jed?" Echos ni Manang Esther.
"Monthsary ka dyan, Manang? Hindi naman po kami ni Jed." Natatawa kong sagot.
"Ah, nanliligaw pa lang sya?"
"Parang ganon?"
"Naging magkasintahan kayo noon, 'di ba?" Natahimik lang ako sa tanong nya.
"Naku, Manang paki-check na po 'yong roasted chicken." Ani ko.
Nanahimik na lang ako, wala rin naman akong matinong maisasagot sa kanya. Inihanda ko na ang mga iihawing relyenong bangus na ginawa naman ni Manang Lucia. Buti na lamang at dalawa ang ihawan kaya ako na ang nag-ihaw nito. Pero nagpatulong ako kay Jed magpabaga.
Pati ang porkchop ay natimplahan na rin kaya inihaw ko na rin. Ma-cholesterol kami ngayong lunch. Wala na 'kong paki because I am craving for all of these.
"May ano ba ngayon at mukhang pinaghandaan mo ang lunch na 'to?" Tanong ni Jed.
"Wala naman. Natatakam na kasi ako sa mga 'to." I answered.
"Ganon ba? W-Where's..." Hindi nya matuloy ang sasabihin.
"Huh?"
"Where's Leonard? Call him. Dito mo na rin sya ayain magtanghalian."
I can't help but to smile. Hindi ko lang kasi akalain na manggagaling pa kay Jedidiah ang mga 'yon.
"I really want to but he said he'll be very busy dahil may mga aasikasuhin daw sya ngayon." I answered in disappointment.
"I see." Aniya at pinunasan ang pawis sa noo with his arm.
"Tara nga rito saglit." Tawag ko sa kanya at lumapit naman agad sya.
I took my towel at pinunasan ang pawis nya sa mukha, dibdib at likod nya. This is exactly like the old times. Noong kami pa ni Jed. Napakapawisin nya kasi. Paano, nasanay sa AC nila. Anak mayaman nga.
BINABASA MO ANG
The Love of Jedidiah | COMPLETED
RomanceNiloko. Sinaktan. Ipinagtabuyan. Puno ng pasakit ang nakaraan ni Sassa. She was broken at ang taong akala nya ay ang natitira nyang pag-asa, ay isa rin pala sa kanila. Now that she came back, wala syang ibang gusto kung hindi ang makapaghiganti sa m...