I dedicate this chapter to @thismysteriouslydeep . Thank you for supporting me. Chat chat tayo, ah? :D
CHAPTER FIVE
SASSA
Paggising ko kinagabihan din nong araw na 'yon ay wala na si Jed. Sabi ni Manang ay hindi na rin ako pinagising ngunit hinalikan daw ako sa noo bago sya umalis. I felt something rumbling on my stomach.
Naupo ako sa sofa kung saan sya nakahiga kanina. Nahiga rin ako roon. Ang bango, humawa ang amoy nya rito. I closed my eyes.
Agad din akong napadilat ng magsink-in sa utak ko ang mga ginagawa ko. Darn it! Bakit ba ako nagkakaganito? I dialed Leon's number.
"Sassa?" He answered.
"Leon? Pupunta ka ba rito bukas?" I asked.
"Yup. Mga 11AM after ng dalawang pasyente ko." Aniya.
"Ganon ba? Sige."
"Bakit, may problema ba?" He asked again worriedly.
"Wala naman. Sige." I hanged up.
Gusto ko lang masigurado na narito sya. Baka kasi magpunta na naman si Jed dito. Pero paano kung mas mauna si Jed? Sabi ni Leon ay 11AM pa sya makakapunta.
Dentista kasi si Leon. Hindi ko naman sya pwedeng obligahin na laging narito dahil may sarili syang trabaho.
Paranoid ako pero mabuti na lang at nakatulog ako ng maayos.
"Ms. Sassa? Andyan po si Sir Leon!" Katok ni Manang.
Naupo ako sa kama at nagkusot ng mata. 11:30 na? Tanghali na pala ako nagising. Narinig ko ang boses ni Leon sa labas.
"Ako na pong bahala." Ani Leon at binuksan ang pinto. "Good morning, mahal na prinsesa! Tanghali na!" Natatawa nyang bati.
"Good morning, Leon." Inaantok kong bati.
"Tara, mag-ayos ka na. Kain na tayo."
"Uhh...Leon...wala kang naabutang ibang tao pagpasok mo kanina?" Tanong ko.
"Huh? Wala naman...may bisita ka bang inaasahan?" He stared at me.
"W-Wala naman."
Hindi nagpunta si Jed. Buti naman. Nag-ayos na ako at bumaba na. Naroon sa kusina si Leon at tumutulong kanila Manang. Nangiti ako at lumapit sa kanila.
"Garlic longganisa? Wow! Mukhang mapapalakas ang kain ko." Sabi ko.
"Okay 'yon. Look at you, you're so thin." Pang-aasar nya.
"Hoy, ano ka?! Hindi kaya! Pareho kayo ni---" Napahinto ako.
"Pareho kami ni?"
"Wala! Tulinan nyo na, nagugutom na ako!" I exclaimed.
"Asus, nagtampo pa sya." Leon chuckled sabay kiliti sa akin.
"Waaaah! Stop it, Leon!" Iniihit ako ng tawa. Huminto rin naman agad sya. "Para kang bata!"
"Pfft. Tara na, kain na tayo."
Nagpunta kami sa may lamesa. Grabe, na-miss ko talaga ang garlic longganisa. Pero parang gusto ko ng yellow fried rice. Muli ay naalala ko ang mga nangyari kahapon. I still can't believe na nakasama ko nga sya kahapon.
"Bakit, Sassa? Ayaw mo ba?" Tanong ni Leon.
"Huh? No! I love it. May naalala lang ako." I excused.
"Kumain ka ng marami at nang tumaba ka ng konti." He mocked. Inirapan ko lang sya.
"Kamusta ang buhay-dentista?"
BINABASA MO ANG
The Love of Jedidiah | COMPLETED
RomanceNiloko. Sinaktan. Ipinagtabuyan. Puno ng pasakit ang nakaraan ni Sassa. She was broken at ang taong akala nya ay ang natitira nyang pag-asa, ay isa rin pala sa kanila. Now that she came back, wala syang ibang gusto kung hindi ang makapaghiganti sa m...