CHAPTER TWENTY FOUR

142 6 0
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR

SASSA

Hindi ako umalis sa tabi ni Jedidiah. The doctor tried to send me away dahil kailangang magpahinga ni Jedidiah pero hindi sila nagtagumpay. Nagwala si Jed at wala na rin silang nagawa kung hindi ang panatilihin ako sa tabi nya. Panay ang himas nya sa tiyan ko at kwento ng mga bagay na gusto nyang gawin sa oras na maipanganak ko ang baby namin.

Puno ng saya at pangarap ang mga mata nya habang nagkukwento kanina. Mabuti nga at nakatulog na sya ngayon. Kailangan nya na talagang magpahinga.

I didn't dare to leave his side. Tumabi ako sa kanya kahit na single bed lang ang kama rito sa kwarto. I'm still scared. I might lose Jedidiah during the surgery but we have to take risk. Ito lang ang paraan so I can keep him longer. I need him. Our child needs him.

Diyos ko, kayo na po ang bahala kay Jed. 'Wag nyo pong hahayaan na walang kalakihang ama ang magiging anak namin.

Kinabukasan ay nagising ako nang may maramdaman akong humihimas ng tiyan ko. It's Jedidiah looking so lively. Napangiti naman ako.

"Excited na si daddy?" Bigla syang napalingon sa 'kin.

"I'm sorry. Nagising ba kita?" Aniya at bumalik na sa pagkakahiga.

"Good morning!" Bati ko.

"Good morning din. You know what, Sassa? I'm feeling positive." He said smiling.

"Positive about?"

"About the surgery. I know I'm gonna make it. For a reason, I am not scared anymore. At sigurado akong dahil 'yon sa mag-ina ko." Tinitigan nya ako. "I can't wait, babe. We're gonna be parents. I can picture us raising an angel. Lagi mo talaga 'kong napapasaya, Sassa. Thank you." Hinawakan nya ang kamay ko.

"Masaya rin naman ako sa 'yo. You have no idea how happy I am whenever I'm with you, Jed."

Hinalikan nya ako sa noo and he cuddled me. Ramdam ko ang mainit nyang hininga sa batok ko. I can feel his body. I hate this. Pregnancy hormones are making me so damn horny. Not now. Jedidiah is sick. Keep your sh*t together, Sassa.

"Anyway, Jed, gusto mo ba ng lalaki o ng babae?" Tanong ko. "It's not like I have a control about it but I just wanna ask. What do you prefer?"

"It doesn't matter. A boy or a girl, it's no big deal. Anak ko pa rin naman 'yan." He said.

"Eh, what if bading sya?"

Napakunot ang noo nya. Pinigilan ko ang pagtawa ko. Ano kayang isasagot ng lalaking 'to?

"Well...I just told you, it doesn't matter. Anak ko pa rin 'yan. If he's gonna be gay, it's not like I'm gonna tolerate it pero tatanggapin ko." Tipid syang ngumiti.

Natulala naman ako roon. Na-realize kong napakaswerte ko pala talaga. Jedidiah for sure is gonna be a good husband but I never thought that he can be this good as a father.

"You're gonna be a very good father, Jed." I complimented.

"You think so?"

"I know you will. So get well soon, Jed. Kailangan mo pang ma-experience na magpalit ng diaper." Tawa ko.

"I don't wanna miss a single thing. I can do this, Sassa. Just make sure na aalagaan mong mabuti ang sarili mo while I'm unconscious. Hindi ko kayo mababantayan ng anak natin." He smiled bitterly.

"Syempre naman. Just make sure na babalik ka sa 'min." Ani ko sabay buntung-hininga.

"I promise. Cheer up. Baka pumanget ang anak ko nyan." He chuckled and hugged me tighter.

The Love of Jedidiah | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon