Prologue

19.9K 378 7
                                    

MALAKAS na tugtog ang naririnig ni Maria sa loob ng pinasukan nilang bar. Kasama niya ang kaibigan niyang si Maymay. Wala naman talaga siyang balak na pumunta sa lugar na ito dahil masyadong maingay at puro usok at amoy ng alak ang nasa lugar na ito. Pero para sa batang dinadala niya kailangan niyang tumaya. This is not for herself but this is for the little angel inside her womb. She's having a baby and she wants to give a complete family for her child.

Hinawakan niya ang kanyang tiyan. Hindi pa naman iyon halata dahil isang buwan pa lamang ang bata sa kanyang tiyan.

"I don't know if this is a good idea Maria. Makakasama 'to sa kalagayan mo you should rest." Sermon sa kanya ni Maymay. Kanina lamang bago sila gumayak dito ay nasermonan na rin siya ni Amythest through phone pero buo na ang desisyon niya. She just wanted to give it a shot.

"Ayaw kong maranasan ng anak ko ang walang ama," wika niya kay Maymay.

Hindi na nagsalita si Maymay patuloy lamang sila sa paglalakad. Bahagya pang naiilang si Maria dahil panay ang titig ng mga kalalakihan sa kanya. Ginapangan na ng takot ang kanyang dibdib. Hinawakan siya nang mahigpit ni Maymay. Mas may alam si Maymay sa ganitong lugar kaysa sa kanya.

"Finally!" Usal ni Maymay. "Nakita ko na rin ang hudyo," dagdag pa nito.

Alam niya kung sino ang tinutukoy ni Maymay. It was the father of his child. Ang lalaking binigyan niya ng lahat-lahat niya - puso, kaluluwa at katawan niya. She already saw him. He was there kissing a slut. Parang may tumarak sa puso niya dahil sa nakita niya.

"That bastard!" Maymay was now gritting her teeth. Hindi siya iyakin but hindi niya kaya ang nakikita niya.

Dumapo ulit ang kamay niya sa tiyan niya. Kailangan niya 'tong gawin para sa anak niya!

Nag-ipon siya ng hangin sa baga at ibinuga iyon. Kailangan niyang maging matapang para sa kinabukasan ng anak niya. Hindi lahat ng kagaya niya ay nagkakaroon ng pangalawang ama. Maswerte siya dahil itinuring siyang tunay na ama ng Papa nila Maria Clara at Caryl, na si Papa Roniel.

Lakas loob siyang lumapit sa kinaroroonan ni William. Si William ay anak ng konsehal sa lugar nila - ang Surigao. Masugid niya itong manliligaw simula noong nasa kolehiyo pa siya. Pareho lang sila ng university ni William na pinapasukan. Member siya noon ng varsity team at marami talagang babae ang nagkakagusto rito dahil hindi lang ito gwapo kilala rin ang pamilya nito.

"William..." Tawag ni Maria kay William. Gusto na niyang sabunutan ang babaeng kalumpungan nito pero kailangan niyang magtimpi.

Irritation filled in his face. Gusto niyang manliit sa sarili niya. "What the hell are you doing here Maria?!" He hissed at her.

Nakita niyang nagbubulungan ang mga babae na kasama ni William na babae pinagtatawanan din siya ng mga ito.

Hinawakan ni Maymay ang braso niya. "Maria Norme umalis na tayo. Hindi siya -"

"Ako na ang bahala May." She assured her friend. Kita niya ang pagtutol sa mukha nito.

Hinarap niya ulit si William. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. He smirked at her. "You never failed to give me a massive erection Maria. You are still hot as hell."

Nanuyo ang kanyang lalamunan dahil sa narinig niya mula kay William. Nanayo ang kanyang balahibo dahil dito. Hindi ito ang William na minahal niya.

"Can we talk outside Will?" She asked.

"Sure baby," malanding wika ni William. Kinikilabutan talaga siya sa mga titig nito.

"Samahan na kita," bulong sa kanya ni Maymay.

Maria Norme (SGSeries1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon