INUNAT-UNAT ni Maria ang kanyang braso. Halos tatlong araw na rin siyang nakahilata lamang sa kanyang kama. Hindi siya pinapalabas o kahit pinapatayo ng mama niya. Tumatayo lamang siya kapag kailangan niyang umihi o magbawas. Gustong-gusto na niyang bumalik sa trabaho pero kahit ang boss niya na si Zeechan ay pinagbabawalan din siya na pumasok. Tinudyo pa nga siya ng mama niya na baka raw namimiss na niya ang amo niya dahil atat na ata na siyang magtrabaho.
Siya namimiss si Zeechan? Paano niya mamimiss ang binata e, panay ang pagtext nito sa kanya. Panay ang tawag dahil nangungumusta itp sa kalagayan niya. Noong isang gabi pa nga ay tumawag ito sa skype. Haggard pa siya dahil hindi pa siya naligo pero sinagot niya pa rin ang tawag nito. Nanlaki pa nga lahat ng butas sa katawan niya dahil nakita niyang naka-topless lamang si Zeechan. Hindi tuloy niya alam kung itutuon niya ang mga mata niya kung sa camera ba o sa katawan ni Zeechan. Napailing siya dahil sa kagagahan niya.
Bumaba siya ng kwarto niya para kumuha ng makakain. Guso niyang pumapak ng nutella at manggang hilaw. Pumasok siya ng kusina at halos malaglag ang panga niya nang makita niya si Zeechan sa loob mismo ng kusina nila at naka-topless niya. Luminga-linga siya para hanapin ang mga magulang niya pero wala ito. She startled when Zeechan turned to her. Nanuyo ang kanyang lalamunan ng walang hiyang ibinabalandra ni Zeechan Cennon Flores ang sariling six packs abs. Parang mas gusto na niyang papakin ito kaysa sa nutella at manggang hilaw na kanina lamang at pinaglalawayan niya.
"Bakit ka tumayo? Diba dapat nasa bed ka lang?" mabilis itong lumapit sa kanya at hinawakan ang braso niya para i-check siya. Nakakunot-noo lamang siya habang nakatingin sa boss niya na bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Natatakot na siya para sa puso niya dahil hindi nito mapigilan ang mahulog sa amo niya.
"N—Nagutom kasi ako sir kaya bumaba po muna ako" sagot niya sa tanong ng boss niya.
"Ganoon ba? Halika, nagluto ako" hinila siya nito papunta sa hapag-kainan. May nakahanda ng pagkain doon.
"Nasaan po sila mama at papa?" kapagkuwan ay untag ko sa kanya. Nakakapagtaka naman kasi kung bakit nandito si Zeechan.
"Ah! si tita at tito? May pinuntahan na importante tumawag kasi sila kanina sa opisina hinahanap si Agatha para pabantayan ka raw muna but Agatha was on leave for three days. She needs to attend a family reunion. Matagal na iyong pinasabi ni Agatha and since I am free nagpresenta na lang ako na bantayan ka."
Her mouth parted. Parang tinubuan siya ng hiya sa boss niya. She was silently wishing that the ground would open and eat her. Nahihiya siya dahil nandito ito para bantayan lamang siya. Sino ba siya para bantayan ng isa sa mga pinakamayaman na negosyante sa Surigao. Bakit labis-labis ang ginagawa nitong pagtulong sa kanya?
Hindi nakapagsalita si Maria Norme. Binigyan siya ng plato at kubyertos ni Zeechan. Ito na rin mismo ang naglagay ng kanin at ulam sa plato niya.
"I cooked chopsuey. You should eat vegetables Maria. It is good for the baby" anito habang nilalagyan ng gulay ang plato niya. Lihim naman siyang nakangiti. Tinitigan niya si Zeechan pero nang bumaling ito sa kanya ay agad siyang yumuko sa pagkain na nasa harapan niya.
"I caught you staring at me." he saide matter-of-factly.
Pinamulahan siya ng mga pisngi. Shit! Shit! Bakit pa kasi niya ito tinititigan? She should get to used with Zeechan's presence. Ilang taon na siyang naging sekretarya nito pero hindi pa rin siya immune sa kagwapohan nito.
"H —Hindi naman po!" nahihiyang sabi niya. He chuckled. Piningot nito ang ilong niya dahilan ng pagtulis ng nguso niya.
"Sir naman, e!" she whined while crinkling her nose. Alam niyang namumula na iyan.
"Stop pouting Maria Norme. I might kiss you." nanunudyong turan nito sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nito. Tinakpan niya ang kanyang labi gamit ang kanyang kaliwang kamay.
BINABASA MO ANG
Maria Norme (SGSeries1)
General FictionMaraming pangarap si Maria Norme pero lahat iyon ay nawala dahil nabuntis siya ng nobyo niya. Gusto niyang bigyan ng kompletong pamilya ang anak niya pero hindi ito kayang ibigay ni William na nobyo niya until her boss - Zeechan Cennon Flores came...