2

8.4K 232 4
                                    

TATLONG-BUWAN na ang nakalilipas nang huli niyang makita ang dati niyang nobyo na si William. Hindi na rin naman siya naghahangad ng suporta ng walanghiyang si William dahil kontento na siya sa anak niya. Kaya niyang buhayin ang anak niya ng mag-isa na kahit walang tulong nito. Simula nang pangyayaring iyon sa bar ay nagtataka siya dahil hindi na kadalasan na magkasama sila Zeechan at William ang kadalasang bumibisita sa amo niya ay ang matalik din na kaibigan nito na si Thalion.

Iniayos ni Maria ang mga papeles na nasa mesa niya dahil ibibigay na niya iyon sa boss niya na si Zeechan. Malaki ang utang na loob ni Maria Norme sa amo.niya dahil ito ang tumulong sa kanya na umahon sa pagkakalugmok. Gusto niyang suklian ang kabaitan ng amo kaya nagsisipag siya sa trabaho niya.

"Maria, pahawak ng tiyan please" Wika ni Agatha na namumungay pa ang mga mata.

Nasa accounting department si Agatha na-assign pero kapag may mga importanteng report ito para sa amo nila ay dumidiretso na ito sa mismong opisina para ibigay ang report. Minsan nga napaisip siya na baka sinasadya ni Agatha na ihatid ang report para makapuslit ito ng hawak sa tiyan niya. Swerte raw kasi ang buntis sabi pa ni Agatha sa kanya.

"Sinasadya mo na talaga ako dito Agatha." Nakangiting wika niya kay Agatha. Iniusli niya ang tiyan niya para mahawakan nito iyon. Alam na ng mga kaibigan at mga katrabaho niya ang nangyari sa kanya and they feel sorry for her. Pero hindi niya ipinapakita na nahihirapan siya. Kahit wala sa plano niya ang pagbubuntis ay buo ang loob na tinanggap niya ang bata na nasa sinapupunan niya. Wala na siyang pakialam pa kay William. Kung hindi nito kayang supurtahan siya at ang magiging anak niya ay mas mabuti pang hindi na ito magpakita sa kanya.

Matapos ang pakay ni Agatha sa floor ng boss niya ay hinawakan ulit niti ang kanyang tiyan. Pinabayaan na lamang niya ang katrabaho niya. Baka nga tama si Agatha na  swerte ang buntis.

Bumalik siya sa harap ng kanyang laptop. Mabigat ang mga kamay ang ginawa niyang pagtitipa. Napakapit siya sa gilid ng mesa niya nang maramdaman niyang sumakit ang tiyan niya. Hindi niya alam kung bakit sumasakit ang tiyan niya doble namang pag-iingat ang ginagawa niya pero minsan ay nagpupuyat siya dahil tinatapos niya ang mga dapat tapusin niya sa trabaho.

She held a her breath when the pain never subsided. Mas lalo pa iyong lumala. Tumingala siya.

"God... Please! My child..." Naiiyak niyang wika. She doesn't know what to do. Hindi mapawi-pawi ang sakit ng tiyan niya until she felt hot liquid down to her legs. Namutla siya nang makita niya ang pulang likido sa binti niya. Nahihirapan na siyang huminga.

"Maria Norme, it's past 12 you need—" naputol ang balak sanang sabihin ng boss niya nang makita nito ang kalagayan niya.

"S—Sir..." Naiiyak niyang wika. Halatang natataranta na rin ito. Mabikis siya nitong ipinangko at inilabas sa opisina. Sumakay sila ng elevator. Nangunyapit lamang siya sa leeg ng kanyang boss. Beads of sweats is forming in his forehead.  Nagtatakang mga tingin ang pinupukol ng mga empleyado ng kompanya sa kanila ng boss niya.

"N—Natatakot ako sir..." aniya, nanginginig pa ang kanyang boses. Paano na ang bata sa kanyang tiyan?

The child in her womb is the prize for her stupidity. Pero mahal na mahal niya ang premyo niya and she cannot afford to lose her only child.

Pinakatitigan siya ni Zeechan. Bakas din ang takot sa mukha nito. "Me too Maria... Please be calm magiging okay ang bata."

Lumabas na sila sa elevator. Nagkagulo ang mga tao dahil sa amin ni Zeechan. Mahahaba ang mga hakbang ni Zeechan at ramdam iyon ni Maria Norme.

"Get the car asap!" singhal ni Zeechan sa isang empleyado nito. Iniabot nito iyon sa pobreng empleyado.

Nanatiling gising si Maria Norme. Ayaw niyang matulog dahil natatakot siya na baka pagising niya ay wala na ang anak niya sa kanya. Ayaw niya mangyari iyon.

Maria Norme (SGSeries1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon