TINANGGAP ni Maria ang paanyaya ni William na magkita sila sa restaurant na pagmamay-ari ni Maymay. Hindi niya inaasahan na tatawagan siya nito dahil gusto nitong makita ang anak nila. Ayaw niyang ipagdamot ang anak niya sa totoong ama nito. Tatlong-buwan na si Nexus simula ng ipinanganak niya ito. Wala na rin siyang balita ukol sa kalagayan ni Zeechan. Hindi na siya umaasang may babalikan pa siyang trabaho kaya nagkasya na lang siya na tulungan ang kapatid niya sa negosyo nito dito sa Surigao. Magaling kasi na mag-bake ng pastries ang kapatid niya kaya dinala nito ang negosyong bakery dito sa Surigao.
Wala siyang nakakapang kapa sa katotohanan na makikita na namam niya ang lalaking umambandona sa kanya nang malaman nitong magkakaanak na sila. May kaonting poot na dinadala si Maria dahil sa ginawa ni William pero wala na rin naman siyang magagawa kung hindi patawarin ito dahil ama pa rin ito ni Nexus.
Nang makarating siya sa nasabing restaurant ay inihimpil nang maayos ng driver ang taxi at inabutan niya ito ng bayad. Nang makababa na siya ay inayos niya ang suot niyang halter top at ang suot niyang denim jeans. Isinukbit niya hanggang braso niya lang ang kanyang bag. Ibinababa niya ang sunglasses niya sa ilong niya para suriin ang lugar. Hindi niya makuha kung bakit sa tapat ng ospital ipinwesto ni Maymay ang kanyang restaurant. Pwede naman kasi malapit sa dayuhan ng mga tao nito ilagay ang restaurant nito.
Pumasok na siya sa loob ng restaurant. Mabilis na naglibot ang kanyang mga mata para mahanap si William. Mabilis na natagpuan niya ang inuupuan ni William. May kausap ito sa mesa na inookupahan nito. Hindi niya maaninag ang kausap nito kaya naisipan niyang lapitan si William.
"Hi..." she greeted him. Nabigla si William nang makita siya nito. Napansin niya ang paghumpak ng katawan ni William at nakadama siya ng awa para sa dating nobyo niya.
"Maria... It's good to see you." Tumayo si William. Bumaling ang kanyan mga mata sa kausap nito bago siya dumating.
The man didn't even bother to greet her. Si Zeechan ang kausap ni William. Dahil sa naging takbo ng pag-uusap nila noong bumisita siya para kausapin ito ay naging ganito na sila sa isa't-sa parang may pader na humaharang sa kanila.
"Zeechan..." tawag niya sa binata. Nag-angat ito nang tingin at tinanguan lamang siya nito.
He stood up and nod at her. Si William naman ngayon ang binalingan nito. "I am interrupting your date bud. Sa susunod na lang tayo mag-usap isama natin si Thalion." anito at saka kinamayan si William.
Tinanggap ito ni William at tinapik pa nito si Zeechan sa balikat. "Sana tama na 'to lahat bud. Thank you Zeech."
Tumango lamang si Zeechan at umalis na. Hindi niya alam kung ano ang napag-usapan ng dalawa nang wala pa siya kanina. Inalalayan siya ni William na makaupo. Asikasong-asikaso si William sa kanya animo'y isa siyang prinsesa dahil sa ginagawa nitong pag-aalaga sa kanya habang kumakain sila.
Hindi na niya ito inusisa pa tungkol sa pag-uusap nilang ni Zeechan. Nakontento na siya sa mga kwento nito. Natigil na si William sa pagbibisyo at ito na ang namamahala ng negosyo ng pamilya nito. Nalaman niyang namatay pala ang kapatid ni William at ito ang naging daan para magbago siya. Mataman lang siyang nakikinig dito at paminsan-minsan ay sumasagot siya sa mga tanong nito tungkol sa anak niya.
"Maria Norme I have something to ask you." kapagkuwan ay tanong nito. Sinimsim niya muna ang juice sa baso niya.
Tumikhim si William. "Maria Norme, alam ko na ang laki kong gago dahil ninais ko noon na ipalaglag ang bata pero pinagsisihan ko na iyan ngayon." saglit itong humito. Ginagap ni William ang kanyang kamay na nasa ibabaw ng mesa. Gustuhin man niyang bawiin ang kamay niya ay hindi niya ginawa ayaw niyang magmukhang bastos sa dating nobyo.
BINABASA MO ANG
Maria Norme (SGSeries1)
General FictionMaraming pangarap si Maria Norme pero lahat iyon ay nawala dahil nabuntis siya ng nobyo niya. Gusto niyang bigyan ng kompletong pamilya ang anak niya pero hindi ito kayang ibigay ni William na nobyo niya until her boss - Zeechan Cennon Flores came...