11- End

13.7K 346 40
                                    

IT'S still haunting her. Iyong mukha ni Zee namay kahalikang ibang babae ay hindi mawala sa isip ni Maria. Nasasaktan siya kasi wala siyang magawa. Hindi niya alam kung paano kakausapin si Zee. Natatakot kasi siya na baka ipamukha nito sa kanya na wala siyang karapatan sa binata dahil wala namang namamagitan sa kanila. Walang meaning or name iyong relasyon nila. Paano kapag sinabi ni Zeechan na hindi naman pala siya mahal nito? What if those three words that he said the other night was just a slipped of a tongue?

"One coffee jelly for Ms. Norme." anang barista. Ngitian niya lang ito at kinuha na niya ang order niya.

Agad siyang lumabas ng coffee shop. La Alquera iyong name ng shop sabi ng kapatid niya ay sikat daw ang La Alquera at marami na itong branches sa Pilipinas at sa ibang bansa. Kaya sinubukan niya kung totoo bang masarap ang kape na tinitinda ng L.A. At tama nga ang kapatid niya masarap nga ang timpla ng drinks sa L.A.

Maria Norme was strolling around the mall. Bukas na kasi ang binyag ni Nexus at abala na ang lahat pero sabi ng mama niya kailangan niya raw muna mag-relax kasi bawal daw ang drama bukas. Ang mama niya kasi ang iniyakan niya nang makita niya si Zee na may ibang babaeng kasama. Si William din naman ay tinutulungan siya. Tanggap na ni William ang lahat at nakapag-usap na sila ng masinsinan.

Nakayuko habnag naglalakad si Maria. Nang biglang mabangga siya sa isang matigas na bulto. Natapon pa ang iniinom niya sa damit ng estranghero. Her eyes widen.

"Jusko! Sorry po. Sorry." agad niyang kinuha ang panyo na sa bulsa niya at pinunasan ang dibdib ng estranghero. Hindi pa siya sa nag-aangat ng tingin dahit nahintakutan siya dahil basang-basa talaga ang damit nito.

"Enough Maria." wika ng isang pamilyar na boses. Napalunok siya ng laway at dahan-dahan na nagtaas ng tingin. Sumalubong sa kanya ang madilim na ekspresyon ni Zeechan. She never knew that it was Zeechan.

"Zee..."

Napakunot ng noo si Maroa ng mapansij niya ang pasa sa mukha ni Zee sa tingin niya ay bago pa lang ang pasa nito. Akmang hahawakan niya ang mukha nito pero bigla itong lumayo sa kanya.

Ibinaba niya ang kamay niya at nabuntong-hininga siya. "Zeechan, di na kita maintindihan." aniya

Pinakatitigan siya ni Zeechan. He was looking at her with no emotion. Mas lalong nararamdaman ni Maria ang bigat at sakit sa loob niya. "I don't understand myself either." anito.

"Bigyan mo ako ng rason si Zeechan kung bakit mo ako itinutulak palayo? Hindi kita makuha. I am willing to chase you dahil iyong ang sabi mo pero bakit naging ganito ka Zeechan. Putangina! Mahal kita alam mo ba 'yon!" hindi na niya napigilan ang sarili niya mapasigaw kahit nasa loob pa sila ng mall. May iilang mga tao na nakatingin sa kanila. Siguro dahil iniisip ng mga tao na desperada siya at nagmumukha siyang naghahabol kay Zeechan pero the hell she cares! Gusto niya lang iparating sa lalaking nasa harapan niya na mahal niya rin ito.

His face softened. "Y -You what?" he asked again.

Lumapit siya sa binata at hinila ito paalis ng mall. Marami pa rin mga taong nakatingin sa kanila pero wala siyang pakialam.

"Your hand is cold." anito. Napuna nito ang panlalamig niya.

"Dahil hawak-hawak kasi kita, e. You have your car?" she asked. Tumango si Zeechan. Mayamaya ay gumayak na sila papunta sa sasakyan ni Zeechan.

Nang makasakay na sila ay tinanog siya ni Zeechan kung saan sila papunta. Hindi niya eksaktong sinasagot ang mga tanong nito. He just gave him instructions. Hindi rin niya sigurado kung tama ba itong gagawin niya but this is her last resort. Kagabi ay tinanong siya ng mama niya kung si Zeechan ba ang gusto niyang makasama habang buhay agad na sagot niya ay oo. Wala na siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Zeechan is enough for her.

Maria Norme (SGSeries1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon