9

7.9K 269 10
                                    

MARAMING dapat asikasuhin ni Maria Norme para sa binyag ng anak niya. Wala na siyang nagawa kung hindi tanggapin ang bigay ni Zeechan para sa anak niya. Hindi pa nga lang siya sigurado kung ipapagamit niya ba iyon sa anak o hindi.

Mas lalo kasi siyang nainis kay Zeechan may pa-chase me-chase me pa itong nalalaman tapos nakita niya sa instagram account ng mokong na may kasama ito ngayon sa Hawaii. Ewan niya kung ano ang ginagawa nito sa Hawaii gustuhin man niyang itanong dito kung sino ang kasama nito ay hindi niya magawa. Para kasing binubulungan siya ni Daniel Padilla ng SHUT UP KA NA LANG!

"Ate, ninong pa rin si Zee sa binyag ni Nexus diba?" tanong ni Caryl sa kanya habang tumitingin-tingin sa mga damit na pambata.

Ewan niya sa kapatid niya kung hanggang kailan matatapos ang drama nilang dalawa ng lalaking mahal nito.

Maria shrugged his shoulders. "Ewan ko. Busy 'yon nasa Hawaii." kasama ang babae niya... Gusto niya sanang idugtong pero mas pinili niyang itikom ang bibig niya.

"Ganoon ba? Teka, nagkausap na ba kayo."

"Busy ako. Busy siya." anang Maria habang tinitignan ang mga maliliit at cute na baby socks. Wala naman siyang balak bilhan si Nexus dahil halos puno na ang drawer nito dahil sa dami ng damit nito. Regalo kasi iyon ng mga kaibigan niya sa anak niya.

"Nagseselos ka pa rin dun sa nakita ko sa IG no?" Humarap na si Caryl sa kanya at may nakakalokong ngito ang naglalaro sa labi nito.

Inismiran niya ito. "Itsura mo!" sikmat niya rito.

"Asus! Deny ka pa halata naman, e." tudyo pa rin ng kapatid niya sa kanya. Hindi na niya ito pinansin. Kinuha niya iyong nagustuhan niyang baby socks para makabayad na siya sa counter. Hindi naman sumunod si Caryl sa kanya. Diretso lamang siya sa counter pero napahinto siya nang makita niya si Zeechan na todo kung ngumiti sa mga cashier. Nag-init na naman ang ulo niya dahil sa nakita niya.

Akala niya nasa Hawaii ang mokong bakit nandito ito sa mall at nakikipaglumpungan sa mga cashier at saleslady? O sadyang malandi lang talaga itong si Zeechan at kahit sino pinupunterya? Bakit hindi na lang siya ang punteryahin nito para hindi na siya mainis ng ganito. Halatang hindi naman siya napansin ng binata nang pumila siya sa likuran nito. Good, wala rin naman siyang balak na pansinin ito.

"Ma'am sa counter 6 na lang po kayo." anang cashier na umeestima kay Zeechan.

Nagtaas siya ng kilay. "And why? May problema ba sa mga machine ninyo para papuntahin ninyo ako sa ibang counter?" pagmamaldita niya sa cashier. Hudyat naman iyon para lumingon si Zeechan sa kanya. Hindi niya tinapunan ng tingin ang binata pero ramdam niya na sa kanya ito nakatingin.

"Wala naman ma'am pero —"

"But what? I want to talk to your manager." aniya. Bakas naman sa mukha ng cashier ang pagkakataranta.

"You don't have to talk to them in that manner Maria." si Zeechan na ang nagsalita. Sinulyapan niya ito at tinaasan ng kilay.

"I am not talking to you." she rolled her eyes. Ibinalik niya ang mga mata niya sa cashier na pinagpapawisan niya. Gusto niyang matawa. This is how Maria Norme acts when she gets jealous.

"But I am talking to you." malagom na pahayag ni Caleb.

"Ayaw kitang kausap." aniya. "Again miss I want to talk to your manager."

Umalis sa harapan niya ang cashier at para itong naiiyak. Wala siyang pakialam. Hindi naman siya maldita but naiinis lang talaga siya. Hindi naman kasi tama na ipa-transfer siya sa ibang counter para makapag-focus sila sa pakikipaglandian kay Zeechan.

"What's wrong with you?" nakatuwid na ng tayo si Zeechan at pinamaywangan siya. Ngayon niya lang napansin na nakasalamin ito sa mga mata.

"Walang mali sa akin." aniya ng hindi tumitingin kay Zeechan.

Maria Norme (SGSeries1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon