10

8.2K 266 4
                                    

MATAPOS nilang kumain ay naisipan ni Maria na umalis na dahil hinahanap na siya ng kapatid niya na si Caryl panay ang text nito sa kanya at hindi pa niya nasasagot ang mga tawag nito dahil panaka-naka siyang hinahalikan ni Zeechan and she's enjoying it. Gusto nga niyang pagalitan ang sarili dahil baka nagpadalos-dalos lang siya sa mga sinabi niya kanina. May takot pa rin na namumuo sa loob niya pero sa tuwing tinititigan niya sa mata si Zeechan ay tila may magic iyon at bigla-bigla na lang mawawala ang takot niya. Hindi na niya maintindihan ang sarili niya pagdating kay Zeechan.

"You want me to drive you home?" tanong ng binata habang nakasandal sa hamba ng pinto. Nasa labas na siya ng bahay dahil papaalis na siya.

Umiling si Maria. "Wag na. Magta-taxi na lang ako." aniya. Sa totoo ay gusto niyang magpahatid sa binata nagpapakipot lang muna siya.

Zeechan shrugged his shoulders. "Okay. Take care then." anito at ginawaran siya ng ngiti sa pisngi. Naestatwa naman siya dahil sa inakto nito. Hindi na siya nabigla sa halik ang labis na ikinabigla niya ay pagsang-ayon nito sa kanya na wag nalang siyang ihatid.

Kahit minsan ay ayaw ni Zeechan na umuuwi siya ng mag-isa usually ay hihatid niya talaga si Maria pero iba ngayon. May konting kirot siyang naramdaman pero hindi na niya iyon pinansin.

"Baka may gagawin lang. Hindi dapat ako ma-paranoid" bulong niya sa sarili. Agad siyang sumakay ng taxi nang huminto iyon sa harapan niya.

"SAAN ka ba galing Ate?" bungad sa kanya ng kapatid niya nang makauwi na siua galing kina Zeechan.

Nilagpasan lang niya ang kapatid niya at dumiritso siya sa crib ni Nexus na kasalukuyan na natutulog ng mahimbing.

"Ate, saan ka nga galing?" tanong ulit ni Caryl sa kanya.

Lumingon siya sa kapatid niya at huminga nang malalim. "Sa bahay ni Zeechan." aniya.

Lumapit si Caryl sa kanya at sumandal sa crib ni Nexus. Tinampal niya ang kapatid niya dahil naalog ang crib ni Nexus.

Iningusan siya ni Caryl. "Ano nga ang nangyari sa bahay ni Zee?"

Tinaasan niya ito ng kilay. "May dapat bang mangyari dapat?"

Ngumiti nang nakakaloko si Caryl."Ewan ko. Pwedeng meron, pwedeng wala." anito.

"Walang nangyari. Ang dumi ng isip mo."

Iniwan ni Maria ang kapatid niya at dumiritso siya sa sariling kwarto niya. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari sa kanilang dalawa ni Zeechan. She touches her lips up until now she still feel the warmth of Zeechan's lips. Umupo siya sa harap ng salamin at tinitigan ang sarili niyang repleksyon. Masaya siya pero hindi pa gaanong buo ang nararamdaman niyang saya. Hindi niya alam kung bakit. Dahil ba iyon kay William na ama ni Nexus o natatakot na baka wala na ang pagmamahal ni Zeechan para sa kanya ng binata at baka pinaglalaruan lamang siya nito.

Narinig niya na may kumatok sa kwarto niya. Napahinga siya nang maluwag at pinagbuksan kung sino man ang nasa likod ng pinto.

Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni William. Anong ginagawa ni William sa bahay nila?

"Busy ka ba Maria?" tanong nito sa kanya.

Umiling siya. "Hindi. Bakit naman?" she asked.

"Mamasyal tayo kasama si Nexus." anito.

Napipilan siya. "Ano? E... ngayon na?"

"Oo. Magbihis ka na. Maghihintay kami ng anak mo sa baba. Si Caryl kasi binihisan na si Nexus." anito. Wala siyang nagawa kung hindi ay tumango at sumang-ayon.

Nagbihis siya ng simpleng t-shirt at boyfriend jeans pinaresan niya lang iyon ng puting chuck taylor niya. Ipinusod niya ang buhok niya at naglagay ng kaunting pulbo at lipstick para hindi siya mukhang namumutla.

Maria Norme (SGSeries1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon