LUMIPAS ang tatlong araw na hindi nagpapakita si Zeechan sa kanya. Nakalabas na silang dalawa ng anak niya sa ospital at parang may pyesta sa bahay nila dahil maraming handa. Pinaghandaan kaso ng mama at papa niya ang araw na ito, ang araw ng pagdating ng kanilang maliit na anghel sa buhay nila.
Dumating din ang mga kaibigan ni Maria at nagkwentuhan sila ng mas mahaba hanggang sa narating sila sa usaping puso. Si Maymay ang unang nagbukas ng topic.
"Maria, anong namamagitan sa inyo ni Flores?" deretsang tanong ni Maymay sa kanya. Napayuko siya at ipinulupot ang spaghetti sa tinidor na hawak niya.
"Kayo na ba?" segunda ni Amy. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. Ayaw niyang aminin na.may nararamdaman na siya sa binata dahil baka masanay siya.
Kagaya ngayon na hindi nagpapakita si Zeechan sa kanya ay para na siyang mababaliw dahil hindi na siya sanay na wala ito sa tabi niya. Mas sanay siya na madali lang niya itong makita o matawag pero ngayon ay naiilang siya na maunang mag-approach dito.
"Hindi. Walang kami." sagot niya sa dalawa.
Nagkibit-balikat lamang sila Maymay at Amy. Wala naman kasi talagang relasyon ni Zeechan at ayaw niyang mag-assume dahil masasaktan lamang siya. Hindi na umuwi ang mga kaibigan niya pinatulog ito ng mama niya sa kwarto niya at siya naman ay nasa kwarto ni Caryl dahil gusto ng kapatid niya na tabi sila matulog ngayon dahil gusto rin daw nito na bantauan ang pamangkin nito. Nagpapasalamay naman siya sa pamilya niya dahil labis ang suporta na ibinibigay nito sa kanya. Hindi siya nito iniiwanan.
"Ate... mahal mo pa rin ba si William?"
She was caught off guard by her sister's question.
Ipinasok ni Caryl ang mga lampin ni Nexus sa cabinet nito. Hindi ito nakatingin sa kanya dahil abala ito pag-aayos ng mga gamit ni Nexus.
Hindi niya alam kung sasagot ba siya ng oo o hindi dahil nag-aalinlangan pa rin siya. Mau naging nakaraan sila ni William at malaki ang naging parte ni William sa buhay niya inanakan pa nga siya nito, e.
"Bakit mo natanong Caryl?"
"Dahil papa siya ni Nexus at tumatayong pangalawag ama si Zee sa anak mo ngayon. Diba 'yan komplikado?" tanong nito sa kanya. Kahit siya naman ay nahihirapan sa nagiging sitwasyon niya. Oo, komplikado lalo na ngayon na may nararamdaman na siya para sa binatang si Zeechan pero mas may karapatan si William dahil siya ang ama ng anak niya.
"Hindi ko alam kung ano ang dapat isagot Cars." sagot niya sa kapatid.
Lumapit ito sa kanya at tinabihan siya sa kama. Natutulog na si Nexus sa crib nito kaya may oras na siyang magpahinga baka mamaya ay magising ang anak niya.
"Dahil kung mahal mo pa si William at gusto mo ulit siya makapasok sa buhay mo ay gora lang pero kailangan muna kitang iuntog sa pader para matauhan ka. Hindi mo ba minsan natanong sa sarili mo kung bakit labis-labis ang pagtulong sa'yo ng boss mo ate?"
Huminga siya nang malalim at tumagilid para makaharap ang kapatid niya. Hindi naman niya gusto maging parte ulit ng buhay niya si William ang tanging gusto niya lang ay kilalanin nito ang anak nila. Nexus is her bittersweet reward and her son deserves to have the best.
"Mabait lang si Zeechan sa akin Caryl." She sighed. "And I hate him because he is too kind and I can't grip my heart from falling in love with him." wika niya. Hindi naman masama kung sabihin niya sa kapatid niya ang napapansin niya na pag-iiba ng nararamdaman niya.
"Hala! Mahal mo siya?"
Nagkibit-balikat siya. "Siguro. Hindi ko pa alam. Naguguluhan ako."
Bumalikwas ng tayo si Caryl at naka-india squat ito sa higaan nila. "Gusto mo ba siya maging parte ng buhay mo?"
BINABASA MO ANG
Maria Norme (SGSeries1)
General FictionMaraming pangarap si Maria Norme pero lahat iyon ay nawala dahil nabuntis siya ng nobyo niya. Gusto niyang bigyan ng kompletong pamilya ang anak niya pero hindi ito kayang ibigay ni William na nobyo niya until her boss - Zeechan Cennon Flores came...