MABILIS ang takbo ng panahon. Hindi namalayan ni Norme na kapanakan niya na pala sa susunod na buwan. Medyo nahihirapan na rin siya na maglakad at gumalaw-galaw mabuti na lang at inaalagaan siya ng kanyang mga magulang. Ang kapatid niya na si Caryl ay kasalukuyan na naninirahan sa kanila dahil gusto raw nitong makalanghap ng sariwang hangin pero alam na naman namin kung ano talaga ang rason dahil binisita ito ng asawa noong isang araw at sa tingin nila ay maayos naman ang naging pag-uusap ng dalawa.
Pinapapak ni Maria ang mani na ipinabili niya sa kapatid niya kanina nang biglang naramdaman niya ang pagsakit ng tiyan niya. Napakagat siya ng ibabang labi. She waited for the pain to subside but it did not.
"Ma! Ma! Masakit iyong tiyan ko!" sigaw niya sa mama niya na kasalukuyan na nasa kusina at naghahanda ng tanghalian.
Nagmamadaling dinaluhan siya ng mama niya bakas ang pag-aalala sa mukha nito. "Ano masakit na ang tiyan mo?!"
Tumango siya bilang sagot. Hindi na niya magawang magsalita pa dahil patindi ng patindi ang sakin nararamdaman niya. Tinawag ng mama niya ang papa niya para tulungan siya.
"Roniel! Roniel! Si Maria manganganak na 'ata!" sigaw ng mama niya. Pumasok sa loob ng bahay ang papa niya at dinaluhan siya nito.
"Ano?! Sa susunod na buwang pa dapat diba?"
"Hindi ko alam Roniel. Tatawag na ako ng taxi." Lumabas ang mama niya para tumawag ng taxi. Naiiyak na siya dahil sa sobrang sakit ng tiyan. Mahapdi iyon at nanghihilam. May dumaang takot sa puso niya dahil baka may mangyaring masama sa anak niya. Bakit napaaga ang paglabas nito? Kaya pa naman niya na maghintay.
Lumabas din lulan kwarto nito si Caryl. Mugto pa ang mata nito at agad siya nitong nilapitan ng makita ang sitwasyon niya.
Hinawakan ni Caryl ang kamay niya. "Ate, kailangan kong tawagan sj Zee para ipaalam sa kanya ito." anang Caryl. Hindi siya nakasagot dahil gumuhit na naman ang sakit sa kanyang tiyan. Napaluha na lang siya.
Naramdaman niyang binuhat siya ng papa niya. Nakasunod ang mama niya na may dalang mga gamit niya habang si Caryl ay nagpaiwan at susunod lang daw ito. Umiiyak na din ang mama niya habang nasa biyahe pa lamang sila. Sinaway ito ng papa niya dahil naiiyak din siya sa ideya na baka may mali sa anak niya o baka may problema dahil hindi pa ito lumabas ngayon.
Nang makarating sila sa ospital ay agad siyang inestima ng mga nurse at doctor. Pinipilit niya ang sarili niya hindi makatulog dahil natatakot siya na baka paggising niya ay wala na ang anak niya.
"Ready ka na ba mommy?" Tanong ng doctor. Hindi pa siya nagsisimula nang may biglang pumasok sa kwarto kung saan siya manganganak. It was Zeechan himself. Pinasuot ito ng medical stuffs at mask.
Dinaluhan agad ni Zee si Maria at pinatakan nito ng halik sa noo ang huli.
"Zee, natatakot ako..." nanginginig ang boses ni Maria.
Hinawakan ni Zeechan at kamay niya. "I will be here babe. Be strong for our baby." sabi nito sa kanya.
Muli ay tinanong siya ng doctor kung handa na ba siya. Tumango siya bilang sagot. Tagaktak ang pawis niya habang umeere naramdaman niyang parang napipigtas ang pagkababae niya dahil sa anak niya. She was keep on pushing. Hingal na hingal na siya at pagod na pagod na but she needs to let her baby see the world. She tried to push again but it was not enough. She breathed deeply and gave a one last push. Parang nabunutan siya ng kung ano at ang kaba at takot na lumukob sa dibdib niya agad na nawala nang marinig niya ang iyak ng kanyang anak. Her baby was finally here.
Naiiyak siya habang nakatingin sa anak niya. Tumingala siya para tignan ang reaksyon ni Zeechan. His eyes were misty. His gaze landed on hers. She can see an unnamed emotion in Zeechan's eyes.
BINABASA MO ANG
Maria Norme (SGSeries1)
Narrativa generaleMaraming pangarap si Maria Norme pero lahat iyon ay nawala dahil nabuntis siya ng nobyo niya. Gusto niyang bigyan ng kompletong pamilya ang anak niya pero hindi ito kayang ibigay ni William na nobyo niya until her boss - Zeechan Cennon Flores came...