4

7.1K 261 6
                                    

DAYS, weeks and months had passed and Maria Norme's tummy is getting bigger. She's now having a hard time to sit or position herself in the bed. Madalas niyang kantahan ang anak niya dahil sabi kasi ng mama niya ang magiging matalino ang bata kapag kinakantahan habang nasa sinapupunan pa ito ng nanay and that is what she was doing. Masyadon lamang siyang pinahirapan ng anak niya sa paglilihi pero ngayon ay nasa ika-anim na buwan na siya ng kanyang pagbubuntis at ilang buwan na lang ang hihintayin niya para masilayan ang anak niya. She thought that having a baby will make her life a miserable but she was wrong. Mas may naging direksyon ang buhay niya dahil sa anak niya na nasa sinapupunan niya.

She was sitting in their sofa bed when a loud knock interrupted her. Napalabi siya. Alam niya na si Zeechan na iyong kumakatok ngayon.

"Sandali lang!" sigaw niya. Hindi niya alam kung okay ang suot niyang maternity dress na kulay itim. Binili kasi iyon ng ate Maria Clara niya nang umuwi ito ng Pilipinas. Noong nasa ikaapat na buwang pa ang kanyang tiyan ay naisipan niya kasi na bisitahin ang kapatid niya na si Caryl at laking gulat din niya ng makita ang ate niya sa unit ng bunso nila. They hugged each other and talked until the midnight came. They were catching up for all those times that they were apart from each other. Her sister is working abroad while Caryl is married to a famous man in the Metro. Hindi rin naman siya nagtagal sa Metro dahil pinapauwi na siya ng mama niya dapat daw kasi ay sa Surigao lamang daw siya mamalagi at dito rin dapat daw siya manganak.

Akala niya ay siya lang mag-isa ang uuwi ng Surigao pero nabigla siya dahil sinundo siya ni Zeechan sa unit ng kapatid niya at sinabi nitong sasamahan daw siya nitong makauwi ng Surigao. Lihim siyang kinilig dahil sa mga ginagawa ng boss niya para sa kanya. Alam niya kasi kung gaano ito ka-busy sa trabaho nito at sa mga negosyo nito pero naisisingit pa rin siya ng binata sa schedule nito. Isn't that sweet? Kagaya ngayon may check siya ngayon si OB niya dahil gusto niyang malaman na ang gender ng anak niya.

Noong una kasi ay gusto niya na sorpresa na lang iyong gender ng baby pero napagtanto niya na kailangan na niyang bumili ng mga baby things at syempre gusto niya iyong naayon sa gender ng anak niya kaya ngayon ay itatanong niya talaga kung ano na ang gender ng anak niya.

Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya si Zeechan na nakadamit pangtrabaho pa. Alas nueve pa lamang ng umaga. Nangingitim ang ilalim ng mata ni Zeechan. He smiled at me pero hindi iyon abot sa kanyang mga mata siguro dahil sa pagod.

"Ready ka na?" He asked. Tumango ako. "Here babe" Iniabot niya sa akin iyong favorite ko na large fries sa Mcdo. Dalawa iyon gusto ko sana marami pa pero pinagbabawalang ako ni Zee na kumain ng maraming salt na food.

"Pasok ka muna. Kumain ka na ba?" tanong ko. Pumasok siya at napasalampak sa sofe bed. Hawak niya ang kanyang sentido at nakapikit ang kanyang mga mata.

"Nah."

"Gusto mong kumain? Nagluto ako ng sinangag Zee. Kain ka dali!" I went to the kitchen to prepare a food for him. Akala ko sumunod siya sa akin pero hindi pala. Nagkibit-balikat nalang ako at nilagyan siya ng sinangag na may itlog at hotdog sa plato at tinimplahan ko rin siya ng kape. Umiinom naman si Zee ng instant coffee, e. Gusto niya nga iyong coffee na advertisment ni Toni Gonzaga.

Bumalik ako sa sala para tawagin siya upang makakain na siya pero nakita ko ang kalunos-lunos na posisyon ni Zee sa sofa bed. Nakatiklop ang kanyang mga tuhod dahil hindi siya magkasya roon. Mapayapa na ang kanyang mukha at halata ang matinding pagod dito. Sa tingin ko ay nag-overtime si Zee. Hinaplos ko ang kanyang pisngi at mahinang itinapik iyon.

"Zeechan Cennon wake up. Sa kwarto ko na ikaw magpahinga." anang ko. Nagdilat ng mata si Zee. Nginitian ko siya pero nabigla ako sa namutawi sa bibig niya.

"Why do you have to look so beautiful Maria?" tanong nito sa malagom na boses

She was taken aback by his question. Nanayo ang kanyang mga balahibo sa leeg at ramdam niya ang puso niya nagwawala dahil sa hombreng nasa harapan niya. Hindi talaga siya sa mga biglang hirit sa kanya ni Zeechan. Ayaw niyang gamitin muli ang puso niya dahil baka masaktan na naman siya.

Maria Norme (SGSeries1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon