HINDI alam ni Maria kung ano na ang gagawin niya ngayon. Hindi niya pwedeng iasa lahat sa pamilya niya at hindi rin niya pwedeng iasa ang buhay nilang mag-ina kay Sir Flores dahil hindi nito sila responsibilidad. Kung may tao man na dapat sumuporta sa kanila iyon ay ang ama ng dinadala niyang bata na si William.
Mabigat ang loob niya dahil sa ginawa sa kanya ni William. Gusto lang naman niyang bigyan ng kompletong pamilya ang anak niya. Gusto niyang makilala ng anak niya ang tunay nitong ama pero si William mismo ang may ayaw sa bata. Ayaw niyang ipagpilitan ang sarili niya kay William. Kung ayaw nito sa kanila ay wala na siyang magagawa pa.
"Kumain ka na Maria Norme makakasama sa kalagayan mo ang hindi pagkain," wika ng Mama niya sa kanya.
Nasa harap siya ng hapag-kainan pero wala pa rin siyang mapiling kainin sa mga pagkain na nasa harapan niya. Ganito siya kapag umaga mahirap siyang pakainin dahil nasusuka siya palagi. Sabi naman ng mama niya ay normal lamang ang nararamdaman niya pero agad din naman daw na mawawala iyon.
"Anak ko..." ginagap ng Mama niya ang kamay niya na nasa ibabaw ng mesa. Awang-awa ito sa kanya. Namumugto kasi ang mata niya sa kakaiyak. Naisip niya kasi kung hindi siya iniligtas ni Sir Flores kay William sigurado siyang wala na sa kanya ang anak niya.
"Anak itataguyod natin ang anak mo. Sama-sama tayo. Hindi ka namin papabayaan ng Papa mo," anang Mama niya. Bakas sa mukha nito ang pagmamahal sa kanya.
"Alam ko Mama na hindi mo ako iiwan," sabi niya.
Nilagyan siya ng Mama niya ng pagkain sa plato niya pati na rin ulam at tinimplahan din siya nito ng gatas. Sanay na siya sa Mama niya kahit pa noon ay ganito na ito kung mag-alaga sa kanila. Noong nandito pa si Maria Clara at Caryl ay sabay silang lahat na kumakain ng agahan pero simula ng umalis si Maria Clara at Caryl sa puder nila ay sila nalang tatlo ng Mama at Papa niya ang nagsasabay sa agahan.
Nagsimula na silang kumain ng Mama niya ng makarinig sila ng katok mula sa pinto. Si Mama na niya ang tumayo at nagpresenta na magbukas ng pinto.
"Ako na Norme kumain ka na lang diyan," anito at umalis na para buksan ang pinto.
Wala ang Papa niya ngayon dahil maaga itong pumunta sa kalapit na bayan para bumili ng itlog sa kaibigan nito na may maliit na farm. Magluluto raw kasi ang mama niya ng leche flan dahil marami raw itong orders.
"Okay na po ba siya?" Narinig niya ang isang pamilyar na boses kausap 'ata nito ang mama niya.
"Maayos naman pero iyak ng iyak gabi-gabi kaya mugto ang mata." Sagot ng mama sa kausap nito. Alam niyang siya ang tinutumbok ng usapan ng mga ito.
Tumayo siya at dumiritso sa kinaroroonan ng Mama niya at ng kausap nito. Nakita niyang nakaupo na ang bisita nila sa sofa at kausap nito ang Mama niya.
"Sir magandang umaga po" bati niya sa amo niya na si Sir Flores. May dala itong paper bag na brown. Anong ginagawa ng boss niya sa kanila?
Tumayos si Zeechan at lumapit sa kanya. Iniabot nito sa kanya ang dala nitong paper bag na hindi niya alam kung ano ang laman.
"Maria, okay ka na ba? Wala bang masakit sa'yo?" Tanong nito sa kanya.
Umiling siya bilang sagot. She still remember what he exactly told her before she was dragged to sleep. May sinabi ito at kahit siya ay hindi niya alam ang rason sa sinabi nito.
The urge to save her whenever she's in trouble... Anong ibig sabihin nun? Hindi naman ito si Superman na kaya siyang iligtas all the time.
"Maayos naman po ako sir kaso lang po hindi po muna ako makakapasok ngayon dahil nais ko po sanang magpahinga." Paalam niya rito. Na-istress kasi siya sa nangyari kagabi. Hindi pa rin ma fully digest ng utak niya na kayang itakwil ni William ang magiging anak nila.
BINABASA MO ANG
Maria Norme (SGSeries1)
General FictionMaraming pangarap si Maria Norme pero lahat iyon ay nawala dahil nabuntis siya ng nobyo niya. Gusto niyang bigyan ng kompletong pamilya ang anak niya pero hindi ito kayang ibigay ni William na nobyo niya until her boss - Zeechan Cennon Flores came...