PINUNO ni Maria ng hangin ang kanyang baga at ibinuga iyon nang marahas. Kinakabahan siya dahil makikita niya na naman si Zeechan at kaarawan pa talaga nito. Nakakapit siya sa braso ni William habang papasok sila sa hallway ng mansyon ng mga Flores. Sinalubong siya ng karangyaan at kasaganahan ng makapasok siya sa mansion kung saan pagdadausan ang party para kay Zeechan. Hindi pamilyar sa kanya ang mga mukha na nakikita niya dahil kabilang ito lahat sa buena familia at ano lang ba naman siya? Para siyang basahan kung ihahalintulad sa mga bisita na narito sa kaarawan ni Zeechan.
"You're cold Maria. Are you okay?" bulong ni William sa tenga niya.
"Kinakabahan lang ako." aniya. Sa tingin niya ay namamasa na pati ang singit niya dahil sa sobrang kaba.
"Hindi ka dapat kabahan. Nandito naman ako." anang William. Naiilang pa rin siya sa dating nobyo. Hindi na lang niya pinapansin ang mga palipad hangin nito sa kanya. Wala na siyang nararamdaman pa para dito.
Araw-araw ay binibisita siya ni William para suyuin siya. Gustuhin man niya na itaboy si William ay hindi niya magawa dahil ama ito ni Nexus. Si Nexus na lang ang nag-uugnay sa kanilang dalawa. Maraming beses na niyang ikinlaro kay William na baka malabo na sila na magkabalikan dahil marami ng nangyari sa kanilang mga buhay at iba na ang takbo ng mundo.
Pumwesto sila sa isang table na may mga lalaking nakaupo. Nagngitian ang lahat ng makita silang dalawa ni William. Si William naman ay parang proud na proud sa sarili nito dahil ako ang kasama niya.
"Finally got the girl bud?" one of the man asked William.
Tumingin lamang si William sa kanya. "I guess so bud." He smiled at her Hindi siya ngumiti sa dating nobyo. Ayaw ni Maria na paasahin ni William ang sarili nito sa ideya na magkakabalikan pa sila dahil malabo na talaga iyong mangyari.
"I am Thalion." pagpapakilala sa akin ng isa sa mga lalaki. Thalion has a perfect form of jaw. Kanina niya pa ito napapansin na seryosong nakatitig sa kanya.
"Hi, I am Ryan. Nice meeting you..." binitin niyo ang pagpapakilala para bigyan siya ng espasyo para ilahad ang pangalan niya.
"Maria Norme" aniya. Nginitian lamang siya ni Ryan. Si Ryan ang singkit sa lahat. Ang puti rin nito at parang nahiya ang balat niya sa balat nito.
Inalalayan na siya ni William para makaupo. Inilibot niya ang kanyang mga mata dahil hinahanap niya si Zeechan. Saglit na umalis si William dahil kakausapin daw muna nito ang pamilya ni Zeechan. Tumango lamang siya kahit pakiramdam niya ay parang lalapain siya ng tingin ng mga kaibigan ni William. She didn't settled her gaze on them. Narinig niyang may tumikhim kaya agad siyang napalingon.
"Finally we caught your attention Maria." wika ng isang lalaking di niya kilala. Ngayon lang din niya ito nakita. "Hi, I am Karl Angelo Arcena and I am here because it is my best friend's birthday. I just want to tell you that if you feel something for Flores then don't be afraid to show it. Nagmumukha kang malandi dahil kasama mo si William pero si Zeechan naman ang mahal mo diba?"
"How dare —"
"I'm back." hindi niya natapos ang balak niyang sabihin sa Angelo na 'yon dahil tumabi na ng upo si William sa kanya. Sinabihan siya nito na nagmumukha siyang malandi dahil sa ginagawa niya ngayon. Wala itong alam sa buhay niya kaya wala itong karapatan para husgahan siya.
Angelo wriggle his eyebrow. Sinamaan niya lang ito ng tingin. Hindi niya gusto ang tabas ng dila nitong kaibigan ni William but she remained calm. Inaya siya ni Willia sa dance floor. Hindi pa rin nagpakita ang celebrant parang wala ito sa sariling birthday nito. Akmang tatayo na si Maria para paunlakan ang paanyaya ni William nang makarinig siya ng pag-tikhim mula aa kung saan. She looked around and them he saw Zeechan standing firmly while his hands were inside his pocket.
BINABASA MO ANG
Maria Norme (SGSeries1)
General FictionMaraming pangarap si Maria Norme pero lahat iyon ay nawala dahil nabuntis siya ng nobyo niya. Gusto niyang bigyan ng kompletong pamilya ang anak niya pero hindi ito kayang ibigay ni William na nobyo niya until her boss - Zeechan Cennon Flores came...