MKDNLH19: Her Love

121 4 9
                                    

Tahimik akong nakasakay ngayon sa kotse ni Macky who’s in deep thought and doesn't even bother to look at me. Hindi ko din siya pinapansin. Masama pa din ang loob ko sa pagsama sa kaniya sa Batangas. Oo sa Batangas doon daw gaganapin ang celebration ng parents niya. Nasabihan pa akong hindi ko daw binabasa yung invitation. Eh sa hindi naman talaga ako pupunta diba? And worst andun na ang parents ko and they really want me to be there kahit para kila Tita and Tito na lang daw. May banta pang i-cucut nila ang allowance ko kapag hindi ako sumama kay Macky. Like seriously? Ganun ako kaimportante? Parents!

Sinulyapan ko si Macky na naka-rayban shades at seryosong nakatingin lang sa daan. I really can't deny now na mas gumwapo ito. Bumagay sa medyo pangahan nitong mukha ang matangos na ilong at mapupulang mga labi nito. Also, he's seriousness add up to his masculinity and appeal, no doubt kaya maraming naghahabol dito at hindi nawawalan ng girlfriend. A God’s gift to women they say. Not that I didn't appreciate it before pero ngayon mas parang naemphasize o ngayon ko lang ulit siya nakita ng matagal sa malapitan? I don't know and I don't even like where my feelings and thoughts are heading. This is wrong! All wrong! I need to bear in mind that I should stop myself before it’s too late.

I stop studying him and just close my eyes. His gorgeous image flashes sweetly. Oh Macky. Naalala ko tuloy ang pinagusapan namin ni mommy sa telepono kanina.

Mom, answer the phone! Mom, answer the phone! I'm holding my phone and begin pacing around my bed. Hindi ako mapakali. I need to talk to her and clarify things. Actually DENY! Deny what Macky just told me because it's bothering me..it’s not something I wish nor I want to happen. I'm avoiding him with all my might for Pete’s sake and they all know what happened between us 3 years ago yet they still want me to come with him? Mercy please!

After 5th ring Mom finally answered. Thank heavens.

"Hey honey!" excited na sagot niya saken at may naririnig akong tawanan sa kabilang linya. I think they're enjoying their selves where ever they are right now. Samantalang ako? Oh well nageenjoy din naman ako but not until this morning, not until Macky showed up and disturbed my peace.

"MOM! WHERE ARE YOU?" halos pasigaw na tanong ko sakaniya.

"Hey, watch your tone lady. I'm still your mother" Mom snaps. Naguilty ako

"Sorry Mom" I murmur but I know she heard me because I hear her sigh

"You alright honey?" her voice changed. Soft. Ramdam ko ang motherly concern niya gusto ko tuloy umiyak. I’ve missed her. One week ko na silang hindi nakikita ni Dad. Inaayos kasi ni Dad yung venture ng airline company namin sa Cebu. Nagbukas daw kasi ng bagong international airport ang local government doon. And he wants mom to accompany him. Actually always accompany him. Kaya naiiwan ako minsan kasama lang ang si Manang Rosa. Ok lang naman din yun kasi silang tumatawag para kumustahin ako at lagi akong may pasalubong pag uwi nila. haha! I’m still their little girl who’s excited for gifts whenever they come home from their long and tiring trips.

I grin bitterly.

May naalala akong isang taong nakikipag agawan din sa pasalubong ng Mommy’t Daday niya. Si Macky. His dazzling smile flashes again. Sa anim na buwan na relasyon namin sinasamahan niya ako kapag wala ang parents ko. Minsan si Daddy pa ang nakikiusap sa kaniya na samahan ako lalo na kung out of the country ang pupuntahan nila. Siyempre with a reminder na sa guest room lang ito. At kahit alam naman ni Macky na andyan naman si Manang Rosa ay pupunta pa din ito at kukulitin ang yaya niya na mas ok daw kapag may kasamang kaming lalaki sa bahay and besides he needs to protect his queen daw? Minsang tatango na lang ang yaya niya, ngingiti at aayon na lang sa pakiusap nito. They trusted him so much na kahit noong naghiwalay sila ay hindi man lang ang mga ito nagalit kay Macky. Sila at ang parents nito pa halos ang nakikiusap na magusap daw kami at ayusin ang dapat ayusin. Pero pride na din siguro kaya hindi din kami gumawa ng paraan para linawin at bigyang closure ang lahat or he just didn't care after all?

MahalKitaDiNgaLangHalata! (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon