CHAPTER 7

481 15 1
                                    

One afternoon Cassie received a text message from Edward, informing her na hindi sya nito masusundo.Palabas na sya nun ng university at mag isa lang na naglalakad.Wala ang kaibigan nyang si Jenny dahil pumunta ito sa kabilang bayan.Ayon dito ay may emergency na nangyari sa lola nito.

According to Edward's message ay masama ang pakiramdam nito.Hindi daw ito nakapasok sa trabaho ng araw na iyon.
Naisip nyang daanan si Edward sa bahay nito.Nakabukod din kasi ang inuuwian ng binata kapag ganitong weekdays at may pasok ito sa Garcia Steel Corp.

Kukumustahin nya lang ang lagay nito at kailangan nyang ma-check ang kondisyon ng kasintahan.Wala pa naman itong kasama sa bahay at mag isa lang.Sumakay sya ng jeep at bumaba sa mismong tapat ng subdivision kung saan ito nakatira.

Mabuti na lang at hindi na mainit kaya pwede na syang maglakad papasok.Medyo malayo pa kasi ang lalakarin nya pagkapasok nya sa gate ng subdivision. Pagtapat nya sa guard ay ngumiti sya at sinabi kung sino ang kanyang pupuntahan sa loob.Nag dial ito sa telepono at pagkalipas ng ilang saglit ay ibinaba din.

"Naku Ma'am hindi po sinasagot ni Sir.Baka po natutulog.Pero sige po,papapasukin ko na po kayo.Pakiiwan na lang po ng ID nyo tapos pakilista po ng pangalan nyo dito sa logbook",at iniabot nito sa kanya ang logbook. Pagkatapos nyang magsulat ay ibinigay na rin nya sa guard ang kanyang ID para iwan.Kinuha naman ito ng guard at nakangiti na syang pinapasok.

"Thank you po",sabi nya dito na sinagot naman nito ng isang tango.

Limang minuto pa ang nilakad nya papunta sa bahay ni Edward.Habang naglalakad sya ay hindi nya maiwasang humanga sa mga nagagandahang bahay na nakahilera.Mga halaman ang nagsisilbing bakod sa maluwang na lawn ng mga bahay. Agad syang nag doorbell nang makarating doon.Ilang beses pa nya yung inulit dahil walang nagbubukas ng pinto.

Samantala,naiinis namang bumaba si Edward."Sino ba itong nasa labas ng bahay?",masama ang kanyang pakiramdam kanina pang umaga paggising nya kaya nga hindi na sya pumasok sa trabaho.Gustuhin man nyang sunduin at ihatid si Cassie ay di nya magawa kaya tinext nya na lang ito at humingi ng paumanhin dito.Babawi na lang sya sa girlfriend sa susunod na mga araw.

Pagkaalala sa girlfriend ay napangiti sya.Bakit nga ba ganun na lang ang damdamin nya kay Cassie?It is more intense now compared to what he feels for Aliana before. He loves Cassie very much that he can't imagine living in this lifetime without her.She is the center of his universe na kung pwede lang sana na kasama nya ito sa lahat ng oras ay gagawin nya.Gusto nyang laging naririnig ang boses at malambing na tawa nito.She really means his everything.

Naputol ang pag iisip nya nang muling tumunog ang doorbell. Nagpatuloy sya sa pagbaba para buksan ang pinto.And he was shocked when he saw Cassie standing in front of her.She's still in her school uniform and smiling at him sweetly.Hindi pa sya nakakabawi sa pagkabigla when she step forward and hugged him tightly. Pagkatapos ay bumitaw din at hinawakan sya sa may bandang leeg at noo.

"Sorry I can't help it...Namiss lang kasi kita.Dumaan ako para kumustahin ka".

"Wow...It's a surprise Babe.I miss you too,....so much.",at niyakap nya ng mahigpit si Cassie."I thought matatapos ang maghapong ito na hindi kita makikita",patuloy ni Edward na nakayapos pa rin sa baywang nya ang mga kamay.

True Love WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon