CHAPTER 14

303 9 1
                                    

Kadarating lang ni Cassie sa bahay nang makita nyang may sasakyang nakaparada sa tapat nila.Alam nyang hindi kay Edward yun dahil kabisado nya ang lahat ng sasakyang pag aari ng mga Garcia. Sino kaya ang bisita nilang dumating?Mukhang mayaman dahil magara ang BMW na gamit nito.Tuluy-tuloy na syang pumasok ng kanilang bahay.

"Andyan ka na pala Cassie. Mabuti naman at dumating ka na..",ani Aling Lourdes sa dalaga.Nakita nyang tumayo ang ina samantalang nakatalikod naman ang kausap nito.

"Sino po ang....?",hindi na natapos pa ng dalaga ang tanong dahil nakita nyang humarap ang babae sa kanya.

"Hi Cassie baby!!!",si Yvette na lumakad patungo sa kanya para sumalubong.She walked like a model sashaying her sexy rounded hips.Nakasuot ito ng high waisted short,,the very short one at black lacey tube blouse.Litaw ang kinis at kaputian ng balat nito.

Cassie was rendered speechless."What is this woman doing here",she thought. But then,she manage to entertain her politely.

"Yvette... thank you for dropping by..How are you?Ahmmm...what do you want to drink?",she asked the sociable woman standing in front of her.She gave her an indulging smile.

"Oh don't bother sweetheart., hindi naman ako magtatagal.Actually I didn't just dropped by.Sinadya talaga kita dito.",maarteng sagot ni Yvette sa kanya.Nang tingnan nya ito ay bahagya pa itong ngumiti.Pero may pakiramdam syang hindi nya gusto ang ngiti nito.

"Ganun ba?Halika,maupo tayo",yaya ni Cassie kay Yvette. Hindi nya alam kung ano ang kailangan nito sa kanya."Nay...mag uusap lang po kami",sabi nya kay Aling Lourdes at nakauunawa naman itong tumango bago umalis.

"About what happened on Edward's party kasi..I just want to say sorry for my behavior towards you",panimula nitong sabi.Kahit papano ay nabawasan ang kaba nya.Gusto lang pala nitong mag apologize sa kanya.

"Naku,ayos lang yun.Wala yun.Naiintindihan ko naman",totoo sa loob na sagot ni Cassie.Tama marahil si Edward na mabait naman talaga ito.Tingin nya ay sincere naman ang paghingi nito ng dispensa.

"Nagulat lang siguro ako kaya ganun.Besides no one told me na may new girlfriend na pala ang love ko...I mean my bestfriend...Ahmmm.sorry for my endearment, yun kasi talaga ang nakasanayan kong itawag kay Edward.",mahabang paliwanag ni Yvette sa kanya.

True Love WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon