CHAPTER 44

482 15 1
                                    

Three months later....

Ang kasal nina Cassie at Edward ay ginanap kasabay ng pasinaya sa bagong tayo nilang four-bedroom house sa mismong resort na binili noon ng binata. Natupad ang pangarap nitong manirahan malapit sa dagat at doon ay bumuo ng sariling pamilya.

Nagawang kumuha ng emergency leave ni Jenny mula sa pinagtatrabahuan nito upang daluhan ang kasal ni Cassie. Kasama nitong umuwi ang asawang si Jake.

It was a simple beach wedding though flowers were abundant. Pink japanese cherry blossoms were freshly exported from Japan.

Tanging mga kamag anak at malalapit na kaibigan lang ng pamilya ang mga imbitado. Kahit na anong pilit ni Donya Benita na gawing bongga ang kasal ay nasunod pa rin ang kagustuhan ni Cassie na gawin lamang iyon ng simple. She wanted to made their vows solemn and sacred. Walang press...walang publicity.

Si Angelo ang tumayong bestman samantalang si Yelena naman ang maid of honor. Ang awitan ng mga ibon...langitngit ng mga dahon at palapa ng niyog sanhi ng hangin...at ang banayad na hampas ng mga alon sa dagat...ay mistulang nakikipag sabayan din sa saliw ng musikang "Beautiful in White by Westlife" while the bride is gracefully walking towards the makeshift altar.

Masayang pinanood ni Donya Benita ang dalawang ikinakasal. A genuine smile played on her lips. Nagpapasalamat siyang pagkatapos ng lahat ng mga unos at pagsubok ay narito pa rin ang dalawang pusong nagmamahalan...pilit na pinagbubuklod ng pag ibig nila sa isa't isa.

Si Aling Lourdes ay nakahilig sa balikat ni Mang Diego..kapwa naluluhang pinagmamasdan ang anak na napakaganda sa suot na Victorian wedding gown.

Don Fernando was happily staring at his daughter. Nakakapit sa braso niya si Cassie habang naglalakad sila patungo kay Edward. Ito man ay masaya rin sa kinahinatnan ng anak at ang magiging asawa nito.

"Take care of my daughter, Edward", wika ni Don Fernando nang iabot sa kanya ang kamay ni Cassie.

"Promise, I will, Papa!", tiyak nitong sagot at inabot ang kamay ng dalaga at masuyong hinagkan. He got misty-eyed while looking at his bride.

"Cassandra, do you take this man as your loving husband and vow to love him as long as you live?", the celebrant ask.

"I do", she whispered and then gazed at him. " I will be your wife, Edward. Your lover...your friend...and the mother of your children. I want to spend my whole life with you. And I love you more than everything in this world.", She smiled at him lovingly. Then she added softly. "And if endless time is possible. I will still love you through!".

Tumikhim ang marriage celebrant and smiled with pleasure at the unexpected vow.

"Edward, do you take this woman to be your lawfully wedded wife and vow to love her for as long as you live?"

Edward held her gaze for a long moment bago siya sumagot. " Yes, I do. You're my only love, Cassie. This body is an empty shell without you. You're my world...you are my life and my day. I vow to love and protect you. At mananatili kitang mamahalin hanggang sa panahong walang takda.", he stared at her lovingly.

"I pronounce you man and wife. You may now kiss your bride, Edward", the marriage celebrant declared.

Humarap siya sa asawa at hinawi ang veil na nakatakip sa mukha nito. His hand went up to cup her face and softly touch his lips to hers.

"Daddy....Mommy.."

Atubiling pinakawalan ni Edward ang mga labi ni Cassie. Magkasabay na nilingon ng dalawa ang munting tinig. Yumuko si Edward at kinarga ang anak. Then his free arm went around Cassie's shoulder.,holding both the two most important women in his life.

"Tell me you love me too, Daddy,...till...till----?", nilingon nito ang ina. "What is it suppose to be, Mommy?", nagsasalubong ang mga kilay na tanong ni Ianne.

Nagkatawanan ang dalawa. "I love you, Ianne!", magkapanabay na wika ng mag asawa.

True Love WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon