CHAPTER 6

366 18 1
                                    

"I'm very happy for our son,Enrique.Nakakatuwa na nakatagpo din sya ng magmamahal sa kanya at mamahalin nya ulit.After what Aliana did,ngayon ko lang ulit sya nakitang ganyan kasaya",wika ni Benita sa asawa.Kasalukuyan silang nakaupo habang pinapanood na nagsasayaw sina Edward at Cassie.

"I told you Benita,makakalimot din sya at makakakuha ng babaeng totoong magmamahal sa kanya.Now...see?Si Cassie ang babaeng yun.I can see that she's different from Aliana.Mahal nya si Edward at nakikita ko yun.Ganun din naman ang anak natin sa kanya",mahabang sagot ng gobernador.Two years ago ay ikakasal na dapat si Edward kay Aliana.Pero sumama itong magtanan kay Raffy sa araw mismo ng kanilang kasal...,ang kaibigan ni Edward na dapat ay bestman nila.Sulat na lang ang dumating kay Edward sa simbahan.A letter from Aliana asking for an apology sa ginawa nito.Na ayaw lang daw nitong maging unfair kay Edward kung magpapakasal sila samantalang si Raffy ang mahal nito.Dalawang linggo lang mahigit ang lumipas ay nalaman nilang lumipad papuntang Canada sina Aliana at Raffy to stay there for good.

Edward was left alone without any idea how to mend his broken heart.He became aloof and full of reservation. Inabala nito ang sarili sa pagtatrabaho sa Garcia Steel Corp.,ang kompanyang minana pa ng Papa nya mula sa kanyang lolo.Halos ubusin nya na ang oras sa trabaho. Wala itong panahon lagi sa mga party at kasiyahan.Until that day na inutusan sya ng Papa nya na pumunta sa St.Catherine University para kausapin ang Dean tungkol sa additional benefits na ibibigay ng Garcia Scholarship Foundation sa mga scholars nila.Umuwi itong masaya at pasipol sipol pa...At dahil yun sa babaeng nakabanggaan daw nito sa campus.

"Sana ay manatili silang ganyan Enrique. Ngayon pa lang ay gusto ko na si Cassie.Bukod sa mukhang mabait na ay magalang na bata",patuloy ni Benita na bahagya pang tumango.

"Magtiwala ka lang kasi...Siguradong magtatagal sila.Tingnan mo naman at kitang kita kung gaano nila kamahal ang isa't isa.",sagot naman ni Enrique sa asawa.

"Babe...",si Edward habang nakayakap sa baywang ni Cassie.

"Uhm?Bakit?",malambing na sagot naman ni Cassie. Kasalukuyan silang nagsasayaw sa saliw ng kantang "Wonderful Tonight" at bahagyang nakahilig ang kanyang pisngi sa dibdib ng kasintahan.

"Have I told you that you look gorgeous tonight?And you're very irresistible,babe?",bulong ni Edward sa may punong-tainga nya.

True Love WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon