CHAPTER 5

422 14 1
                                    

Ang mga sumunod na araw ay puno ng pag ibig nila sa isa't isa.Bagama't abala sa trabaho si Edward at ganoon din sya sa pag aaral nya,hindi pa rin sila nawawalan ng "YOU AND ME" time.Madalas siyang sinusundo at hinahatid ni Edward. Minsan ay kakain sila sa labas at pagkatapos ay magpapalipas ng oras sa burol.

Dumating ang araw ng Linggo.Cassie is busy preparing herself for Edward's mom birthday party.Nalaman nyang wedding anniversary din pala ng mag asawang Garcia.Hindi mawala ang kabang nararamdaman nya ngayong makikilala na nya ang pamilya ni Edward.

According to him the party will start at 8:00 pm.Thirty minutes before ay nasa kanila na ang kasintahan para sunduin sya.

"Cassie, anak...bilisan mo na at nasa baba na si Edward."tawag sa kanya ng Nanay Lourdes nya habang kumakatok sa silid nya.Nakababatang kapatid ng nanay nya...Ito na ang nag alaga sa kanya ng mamatay ang kanyang ina sampung taon pa lamang sya kaya nakasanayan nya na itong tawaging nanay.Mabait si Lourdes at itinuring na sya nitong parang totoong anak,ganoon din ang asawa nitong si Diego.Nagtatrabaho si Lourdes sa munisipyo samantalang construction worker naman ang asawa nito.Si Angelo ang nag iisang anak ng mga ito ay mas matanda sa kanya ng limang taon.Over protective sa kanya si Angelo at kasalukuyan itong nasa Maynila at nagtatrabaho.

"Opo nay..sandali na lang po ako",sagot nya habang abala sa pagsuklay ng mahaba at itim na itim nyang buhok.

"Wag ka nang masyadong magtagal at baka mainip sayo si Edward.",si Lourdes na pumasok na at kasalukuyan syang pinanonood sa kanyang ginagawa.

"Nay kinakabahan po ako.Ok lang po kaya sa pamilya ni Edward?Matanggap po kaya nila ako?",at muli nyang tinitigan ang sariling repleksyon sa salamin.Bagamat alam nyang maganda rin naman sya ay di pa rin mawala ang kabang kanina pa nya nararamdaman.

"Anak,alam nating mabait at hindi matapobre ang pamilya Garcia. Wag kang kabahan at isa pa'y kasama mo naman si Edward.Kinausap sya ng tatay mo kanina na wag kang pababayaan at nangako naman syang sya ang bahala sayo.",assurance sa kanya ni Lourdes.

Tumango na lang sya at pagkatapos ay bumuntong hininga.Muling sinulyapan ang sarili sa salamin at nagpaalam na kay Lourdes.

"Cge na anak,mag iingat ka dun at wag masyadong magpapagabi.",pahabol na paalala sa kanya ng nanay nya.

Habang pababa sya ng hagdanan ay nakita nya si Edward na nakaupo sa sala at kausap ang kanyang tatay.Huminto sya sa pagbaba at tinitigan ito.Wearing a pale pink long sleeve polo and black slacks.Napaka gwapo nitong tingnan at napaka linis.Nang unti unti itong lumingon sa kanya ay napilitan syang humakbang dahan dahan pababa ng hagdan.Pakiramdam nya ay nag somersault ang puso nya nang mapansin nyang titig na titig ito sa kanya.

True Love WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon