CHAPTER 40

450 22 11
                                    

"Ate Cassie," bulalas ni Yelena nang makilala kung sino ang pinagbuksan ng katulong na si Adela.

Mag iisang linggo pa lamang mula nang bumalik siya ng bansa. Pagkatapos ng masteral studies niya sa London ay nagliwaliw pa muna siya ng Europe saka umuwi ng Pilipinas.

"Hi, Yelena! How are you?", bati naman ni Cassie sa dalagang kapatid ni Edward.

" Very much fine...Gosh!!ang ganda mo lalo ngayon, Ate. Alam mo bang number one die hard fans mo ako?",saad ni Yelena habang humahangang hinagod siya nito ng tingin.
"Sayang lang at hindi ako nakauwi on Kuya Jake's wedding. Abay pa naman sana ako at nakita sana kita kaagad!"

Napangiti siya sa warmth ng pagtanggap sa kanya ni Yelena. Parang walang anumang nabago sa treatment nito sa kanya. At "ate" pa rin ang tawag nito sa kanya tulad ng dati. Tila ba walang hindi magandang nangyari kung makipag kumustahan ito.

"Thank you so-----", naputol ang sasabihin niya nang patakbong pumasok sa sala si Ianne kasunod si Donya Benita. Inikot ng bata ang paningin sa buong kabahayan.

" This house is as big as Lolo's, Mommy. And I saw a very big swimming pool outside. Can we go swimming later?"

"Who is this cutie pie? Siya ba ang anak mo, Ate?", masiglang tanong ni Yelena at nilapitan ang bata saka kinarga.

" This is my daughter Ianne...Ianne kiss your Tita Yelena ",ani Cassie sa anak na mabilis namang ginawa ang sinabi ng ina.

Natutuwang tinitigan ni Yelena ang bibong bata. "Parang kamukha niya----"

" Ianne is your niece, Yelena. Anak ng Kuya Edward at Ate Cassie mo." pahayag ni Donya Benita. Bagamat nagulat sa nalaman ay masayang niyakap nito ng mahigpit ang pamangkin.

" Really? Omg! I have a very pretty pamangkin pala! Manang-mana ka sa tita mo, baby...We're both beautiful, diba?",wika ni Yelena sa pamangkin. The child giggled at her aunt's compliment.

Natawa na lang si Donya Benita sa anak at sa apo. Karga pa rin ni Yelena si Ianne na pumunta ang mga ito sa labas ng bahay. Samantalang si Cassie ay nananatili pa ring tahimik at kinakabahan.

"Nasa itaas ba si Edward, Adela? Nakita ko sa labas ang sasakyan niya.", sabi ng donya sa katulong.

" Opo, Donya Benita. Hindi po siya pumasok ngayon", sagot ng katulong. "Paakyat nga po ako sa silid niya para dalhin itong hinihingi niyang yelo."

Tinitigan ni Cassie ang ice bucket na hawak ni Adela. Linapitan niya ito at kinuha ang yelo mula rito.

"Ako na ang magpapanhik nito sa itaas, Adela", ani Cassie.

True Love WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon