EPILOGUE

468 13 1
                                    

Masaya ang pagsasama nina Cassie at Edward. Si Cassie ay mas piniling tumigil na sa trabaho nito bilang artista. Ibinuhos niya na lang ang panahon sa pag aalaga kay Ianne at siyempre sa pag aasikaso sa kanyang asawa. Samantalang si Edward naman ay ipinagpatuloy pa rin ang pagiging gobernador nito sa Punta Verde.

May ilang nag uudyok dito na tumakbo bilang senador sa darating na halalan subalit mariing tinanggihan niya iyon. Sapat nang sa sariling  bayan niya na lang siya tumulong. Ayaw nitong maubusan ng panahon sa pamilya na siya nitong priority.

Sa kagustuhan din ni Cassie ay pinatawad na lang nila sina Yvette at Harold sa ginawa ng mga ito. Napag alaman ni Edward na matagal na palang may gusto si Harold sa dalaga. Iyon ang dahilan nito kaya mabilis itong napapayag ni Yvette sa gusto nitong mangyari.

Kapalit ng usapang lalayo si Yvette ay napahinuhod ni Cassie ang asawa. Pumayag si Yvette sa gusto ni Edward na lumayo ito at huwag nang babalik pa. Sa kasalukuyan ay magkasama ito at si Harold sa ibang bansa.

After a year ay nadagdagan ang anghel sa buhay ng mag asawa. Nagsilang ng kambal si Cassie...Jake and Jared were both very cute and handsome.. And Ianne was enjoying her role as " ate " to her twin brothers.

True Love WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon