CHAPTER 36

358 14 5
                                    

"Kailangan ko ba talagang mag attend? You can ask some of your friends to accompany you in that party, Yvette.", iritableng tanong ni Edward sa babae. Ilang araw pa lang mula nang dumating ito mula sa ibang bansa at may party na agad na pupuntahan.

" You're impossible, Edward. Harold is our friend and we're both invited in his party.",sagot ng dalaga.Tumayo ito mula sa kinauupuan at lumapit sa kanya. Ikinawit nito sa leeg niya ang mga braso.

"Yvette, nasa kapitolyo tayo.", wika ni Edward at marahang inalis ang mga braso ng dalaga mula sa pagkakayakap sa kanya. Wala itong nagawa kundi bumalik sa upuan nito sa harap ng binata.

" You don't want me to attend that party alone, don't you? Mabo-bored lang ako dun",she said pouting her lips sexily.

"I don't remember na na-bored ka when it comes to party. Hindi ba't mahilig ka sa mga social gatherings?", he said looking at the woman in front of him with amusement. Kilala niya si Yvette noon pa man. Gustong-gusto nitong makipag sosyalan at makuha ang atensiyon ng mga taong nakapaligid rito. Specially, men.

" But I want you to be my escort, Edward. Gabi ang party at wala ka namang trabaho noon. ",nagmamaktol na sagot ni Yvette. Sinimangutan siya nito.

" Look, Yvette... I've been very busy these past few days. And apparently, I need rest",he insisted. Pumupunta lang siya sa mga ganoong klaseng kasiyahan kung iyon ay may kaugnayan sa pulitika o negosyo. He will not waste his time sa mga walang kabuluhang bagay.

"You know what, simula nang dumating ako dito naninibago na ako sayo. Problems? What is it? Tila kasi lagi kang wala sa mood lately", nauubusan na rin ng pasensiyang wika ng babae. Excited siyang umuwi ng Pilipinas pagkatapos ng modelling contract niya sa Paris. At umaasa siyang madalas silang magkakasama ng binata ngayong bumalik na siya. Pero ilang araw na siya at ilang beses niya na itong niyayayang lumabas pero lagi itong tumatanggi. And her instinct was telling her na may dahilan kung bakit nagkakaganito si Edward.

" Nothing!",nababagot na sagot ni Edward. Pag ayaw ba kailangan laging may dahilan.?

"Ok!..but if it's really nothing...,samahan mo ako..!Please..!!!", sinadya niyang palambingin ang boses para makumbinsi ito. She knows Edward, at alam niyang hindi ang uri nito ang madadaan mo sa init ng ulo at marahas na pamamaraan.

" Titingnan ko...pero hindi ako mangangako!",he answered in a cold and distant voice.

"Thank you...Alam ko namang hindi mo ako matitiis!",aniyang tumayo na at lumapit sa binata. She kissed him on his surprised lips before she went out of his office. " Bye."

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Edward bago ipinagpatuloy ang ginagawa. But he can't focus on what he's doing. Isang pamilyar na mukha ang pumasok sa isip niya. Those expressive eyes...and the natural rosy cheeks...then that luscious and kissable pink lips..."Why can't I get you out of my mind?"... aniya sa sarili. That woman never failed to affect all his senses.

Halos ilang linggo na rin nang huli niyang makita si Cassie. Ang sabi niya sa sarili kakalimutan niya na ito. That it's time for him to move on and find new love. Simula nang makita niya itong umuwi ng Punta Verde ay bumalik ang damdamin niya para rito.

True Love WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon