CHAPTER 2

568 17 3
                                    

Alas siete na ng gabi nang makaalis si Jenny.Kung hindi pa ito tinawagan ni Jake ay hindi pa ito mapipilitang umuwi.Naghanda na rin sya para magpahinga dahil alam nyang marami pa syang gagawin bukas.Napangiti na lang sya at naiiling ng maalala nya ang pangungulit sa kanya ng kaibigan kanina lang.

Hangga't maaari ay ayaw nya nang alalahanin pa ang nakaraan.Pero ng banggitin sa kanya kanina ni Jenny ang tungkol kay Edward ay muling nanariwa sa kanya ang mga nangyari limang taon na ang nakakalipas.

__________________________________________
Nagmamadali sa kanyang paglalakad si Cassie.Late na sya sa susunod nyang subject.Kinailangan nya pa kasing gawin ung research nya sa library dahil alam nyang wala na naman syang panahon mamaya.Kailangan nyang bilisan kung hindi ay baka tulad kahapon ay ma-late na naman sya.Sa bigla nyang pagliko ay halos matumba sya ng mabunggo sya sa dibdib ng kasalubong nya.Nasalo naman sana sya ng lalaki pero nagkalat naman yung mga nahulog nyang gamit.Mabilis syang kumawala mula sa pagkakahawak nito sa kanya para pulutin ang mga gamit nya.

"Naman kasi....Ano ba yan?Nagmamadali na nga napatagal pa lalo."bubulong bulong na lang nyang sabi.

"What is it Miss?May sinasabi ka ba?"asked that baritone voice na naging dahilan upang unti unti syang mag angat ng paningin.

Nagulat sya ng makilala kung sino ang nakabungguan nya.Of all people ay bakit sya pa?

"Ahmmm...Sir...I mean Mr.Garcia...Ahh...Pasensya na po."nauutal nya pang sabi.Pakiramdam nya ay nag iinit at namumula ang mukha nya.Bakit hindi eh ang nakabunggo nya ay walang iba kundi si Edward Garcia...Anak ni Gov. Enrique Garcia.

Si Edward ang kanyang ultimate crush ....
or love na nga yata.Nag umpisa nya itong pangarapin noong graduation nilang high school.Nagkataon kasing si Edward ang panauhing pandangal nila noon.Subalit ang pangarap nya kasama si Edward ay nanatiling pangarap na lang.Alam nyang hindi sya nito pag uukulan ng pansin dahil bukod sa mas matanda ito sa kanya ng pitong taon ay nagmula pa ito sa mayaman at pinaka kilalang pamilya sa lugar nila.Marami daw ang nagkakagusto dito pero wala itong pinapansin sa mga yun."Maybe a typical snob...Gwapo kasi"...sa loob loob nya...

"Miss...excuse me...hey!...I said are you ok?"...ulit na tanong ni Edward sa kaharap.Anong nangyari dito at parang na mental block na.Well..looking at the GIRL in front of him...(Yes...a girl...dahil tingin nya ay napakabata pa nito)..She looks smart and beautiful...quite dignified na tila ba hindi na ito isang estudyante...

Tantiya nya ay nsa 5'1 lang ang height nito at saktong umabot lang sa kanyang balikat.Mahaba ang buhok nito na itim na itim with unruly curls sa dulo.Long and thick eyelashes... small and pointed nose...rosy cheeks that blush naturally na nakita nya kanina dahil  siguro nakilala sya nito....and what caught his attention is her lips...a kissable lips for that matter... it looks full and very soft na para bang inaanyayahan syang hagkan...

"Excuse me Mr.Garcia..I have to go...Pasensya na po"...at kasabay nun ay tumalikod na si Cassie at naglakad palayo.Parang matutunaw sya nang harap harapan sya nitong titigan.

Napangiti na lang si Edward nang maalala ang ginawa nyang assessment sa babae kanina.Lumingon sya at hinanap ng kanyang mga mata ang babae pero hindi nya na ito nakita."Hayy...hindi ko man lang naalalang itanong ang pangalan"...tila may naramdaman pa syang regret dahil dun.Naglakad na lang sya ulit papunta sa principal's office dahil naalala nyang inutusan nga pala sya ng papa nya kaya sya pumunta dito.

Hanggang sa makaalis na sya sa principal's office ay hindi pa rin nya maalis sa isipan ang mukha ng babaeng naka bungguan nya...

True Love WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon