CHAPTER 24

295 10 2
                                    

Gustong mahilo ni Cassie sa mga pinagsasabi ni Edward.She can't believe this man was thinking the worst to her.Ganun pa man ay pinili nya na lang manahimik.

"Say something, you bitch!", halos humiyaw ito nang manatili siyang hindi nagsasalita.Pinukpok ng kamao ang steering wheel.

The car swayed a little over the edge of the road and Cassie almost screamed. Subalit agad ding nakontrol ni Edward ang manibela and smoothly went back to the road.

For a while,Cassie closed her eyes tightly.Pagkuwa'y nagmulat at nilingon ang gilid ng daan.May kalaliman iyon at kung sakaling nahulog sila ay sa bangin sila babagsak.Huminga siya ng malalim at pinuno ng hangin ang dibdib.Her heart was pounding fast on her chest.

Nilingon niya ang binata pagkatapos."What else do you want me to say, Edward?", she said in a quavering voice." You seemed to know a lot about me.Hindi ko akalaing inaabala mo ang sarili mo sa pagbabasa ng mga tsismis tungkol sakin.",patuya niyang wika habang tinitingnan ito.Nakita niya ang pagbaba-taas ng dibdib nito na tila ba pinipilit ding kalmahin ang sarili.Marahas itong bumuntong hininga habang patuloy sa pagmamaneho.

"And I don't understand you at all...!You and Yvette were now together. Ano pa ba-----....",

" Leave Yvette out of this Cassandra.",mariing putol ni Edward sa sasabihin niya.

Muli ay ibinaling nya sa labas ang paningin.Tumingala siya at huminga nang malalim para kalmahin ang sarili.

Then she spoke calmly. "Hindi ako nagpunta rito sa sarili kong kagustuhan,Edward.Kung ako ang masusunod,hindi na ako aapak sa lugar na ito kailanman.Pero ipanatag mo ang sarili mo dahil pagkatapos kong magampanan ang dahilan kung bakit ako nandito ay babalik agad ako ng Maynila.I wouldn't even wait until the reception's over.  So..,can we agree on a truce?", Cassie said.

Isang tango lang ang isinagot nito sa kanya.Ipinagpatuloy na nito ang tahimik na pagmamaneho hanggang sa makarating sila sa Heaven's Hotel.Agad bumaba ng sasakyan  si Cassie.

" Thank you",marahang usal ng dalaga at tumalikod na para pumasok sa hotel.Walang imik na sinundan ng tingin ni Edward ang papalayong dalaga.Ito ang unang beses nilang paghaharap makalipas ang limang taon.Pero nakakapagod isipin na ngayon pa lang ay mainit na sagutan kaagad ang namagitan sa kanila.

Nang mawala na sa kanyang paningin ang dalaga ay pinaandar nya nang muli ang sasakyan.He badly needs to rest.Sumasakit ang ulo niya sa mga pangyayari.

Pagdating ni Cassie sa kwarto ay wala sa loob syang naupo sa kama.Sana'y hindi na sila muling magkita ni Edward hanggang sa bumalik siya ng Maynila.Kung palaging ganoon din lang ang mangyayari tuwing magkakaharap sila ay tiyak na hindi niya kakayanin.Isang araw at kalahati na lang naman siyang mananatili sa lugar na ito.Titiisin niya na lang at iiwasang lumabas para hindi na sila magtagpo pa ni Edward.

True Love WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon