CHAPTER 39

351 17 6
                                    

Hindi maiwasan ni Cassie ang mag alala para kay Edward dahil sa nalaman mula sa ina nito.

"Tulad ng sinabi ko sayo, Edward has been drinking since you left Punta Verde for the second time. Nahirapan siyang tanggapin na magkasama at masaya ka sa piling ng...ng...matandang iyon", pahayag ni Donya Benita. Then she waived her hand and shook her head.

Kanina pa niya napapansing nahihirapan itong tukuyin ang salitang iniuugnay sa kanila ni Fernando Rivera. Na para bang ang mabanggit lang iyon ay isa nang malaking pagkakasala. Matabang siyang ngumiti dahil doon.

" Isang gabing pauwi siya galing sa kapitolyo ay naaksidente siya. Lasing na lasing siya at hindi niya na agad namalayan ang paparating na truck. Mabilis ang takbo niya kaya nang sinikap niyang umiwas, nabunggo sa isang malaking puno ang kotse niya."

"No!", she was horrified. " He wasn't badly hurt, was he?"

" Two broken ribs at isang maliit na sugat sa may bandang noo. Maliban doon ay mga galos at gasgas sa may bandang dibdib at tagiliran",nanggigipuspos na wika ng matandang babae. "Tatlong araw lang siya sa hospital sa halip na dalawang linggo ayon sa doktor. Tumanggi siyang lagyan ng cast ang dibdib niya . And he's working and drinking himself to death now, Cassie. Natatakot ako sa maaaring mangyari sa kanya!"

"Kayo na mismo ang nagsabi na mahirap kausapin si Edward ngayon. Isa pa ay galit siya sa akin. Kaya paano kayong nakatitiyak na pakikiharapan niya ako?", malumanay na wika niya sa donya. " He hurled angry words at me the last time we talked, Donya Benita."

"He loves you, Cassie...have always loved you. Paniwalaan mo sana ang katotohanang iyan."

Sana nga'y kaya niyang paniwalaan iyon. She opened her mouth to say something. Subalit parehong natuon ang atensiyon nila sa pagbukas ng pinto. Patakbong pumasok si Ianne suot pa rin ang tumutulong bikini. Kasunod nito ang yaya at si Fernando.

"Ayaw hong magpatuyo, ma'am", wika ng yaya na dala-dala ang tuwalya.

Akmang tatayo si Donya Benita para lapitan ang apo nang makita ang matandang lalaki. Pumormal ang mukha nito at muling naupo nang tuwid.

" May bisita ka pala",ani Fernando at sinulyapan ang matandang babae.

"Papa, I want you to meet Donya Benita Garcia, Ianne's grandmother... Mrs. Garcia, meet my father, si Fernando Rivera."

The old woman's jaw dropped. Sa nanlalaking mga mata ay pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa.

"Y--your father! This dirty old---this multimillionaire businessman is your father? Your biological father!?"

"How are you, Mrs.Garcia? I'll forgive that "dirty-old--"part if only for my daughter." he said in his usual amused charm that won millions of women's heart during his prime. "Hindi ko alam kung bakit maraming idiots ang pinaniniwalaan ang lahat na lang ng nababasa..tsk tsk tsk! mga tao nga naman."Fernando said mockingly.

Napasinghap ang matandang babae. Fernando Rivera smoothly insulted her. Kaya nang ilahad nito ang kamay sa kanya ay hindi niya iyon pinansin.

" If only for Cassie and my granddaughter, I'll forgive you that "idiot" part, Mr. Rivera",Donya Benita countered stiffly..

Fernando Rivera laughed.

Ipinaypay ng donya ang panyo sa mukha at humarap kay Cassie. "I need a drink, Cassie. You haven't even offered me one."

True Love WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon