Kabanata 3
Ang Nakaraan"Seriously, Via. Anong sikreto mo?" Tanong sa akin ni Joy habang naglalakad kami papunta sa Caf.
"What?" Natatawang tanong ko sa kanya.
"Halos maperfect mo lahat ng exam natin, e. Sabay naman tayong nagreview. Dati kapag ganon, halos parehas lang tayo ng score na nakukuha." Aniya. Umupo kami sa may lamesa saka nilapag ang gamit namin.
"Matalas na memorya ko," tumawa ako saka tumayo. "Hulaan ko, torta ang ipapaorder mo sa akin."
"Papano mo nalaman?" Napataas siya ng kilay sa pagtataka.
"Mind reader na ako ngayon," tumawa ulit ako.
"Baliw," natawa siya. Kinuha niya ang wallet niya sa bag saka binigay sa akin ang bayad niya.
"Bukas makikita mo. Ikaw ang mag oorder ng pagkain nating dalawa at torta nanaman ang kakainin mo." Kumindat ako saka nagsimulang maglakad sa counter.
"Manghuhula ka na rin ngayon?" Dinig kong pahabol niya at napangiti ako.
Nagsimula na akong mag-order ng kakainin namin ni Joy. Akma ko na sanang hahawakan ang tray ng pagkain namin nang may naunang humawak nito sa akin. Napatingin ako sa gawi ng taong 'yon at nakita ko si Kent na nahihiyang nakangiti sa akin. Si Kent!
"Tulungan na kita, Viviana." Nahihiyang sabi niya. Nagsisimula ulit kami mula sa simula. Kailangan kong makisabay sa agos. Viviana pa ang tawag niya sa akin. Hindi niya pa ako kilala samantalang ako ay kilalang kilala ko na siya.
"Uh, sige," sagot ko.
Nagsimula na siyang maglakad at nakarinig ako ng hiyawan mula sa isang grupo ng studyante na nakatambay sa isang lamesa. Mga barkada ni Kent.
"Um, sorry. Wag mo na lang silang pansinin." Nahihiyang sabi niya. Nilapag niya ang tray sa lamesa namin ni Joy. Alam niya na dito ako nakaupo!
"Salamat, uh, K–" pinutol ko ang salita ko. Kunwari hindi ko pa siya kilala. LOL.
"Kent," ngumiti siya sa akin.
"Thanks, Kent." Ngumiti rin ako sa kanya. Umupo ako sa upuan ko kanina saka binigay kay Joy ang pagkain niya. Samantalang si Kent naman ay nasa tabi ko pa rin, nakatayo. Magtatanong na yan...
"Uh, pwede ba akong sumabay sa inyo?" Napakamot ng batok si Kent. Naghiyawan ulit ang barkada niya na nasa kabilang lamesa.
"Sure," ngumiti ako. Lumapad ang ngiti niya na halatang hindi makapaniwala.
"Talaga? Sige, bibili lang ako ng pagkain ko." Nagmadali siyang pumunta sa counter para mag-order ng pagkain.
"Kilala mo? Bakit pinayagan mong sumabay sa atin?" Tanong ni Joy na nagsimula nang kumain.
"Nakabangga ko siya sa may corridor dati," simpleng sagot ko saka uminom ng tubig. Hihintayin ko si Kent para sabay na kaming kumain.
"Parang trip ka nun ah," aniya habang nagmamatiyag kay Kent na ngayo'y nag oorder na ng pagkain.
"Mabait yan. Magiging boyfriend ko nga yan, e." Tumawa ako.
"Trip mo rin siya? Ano 'to? Nahulog agad kayo sa isa't isa nung nagbanggaan kayo?" Takang tanong ni Joy at napakibit-balikat na lang ako.
Hindi nagtagal ay dumating na si Kent, dala-dala ang pagkain niya. Umupo siya sa tabi ko.
"Hindi ka pa kumakain?" Tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Time Manager
FantasyHumiling ka na ba na sana bumalik ka sa nakaraan para mabalikan ang mga alaalang alam mong hindi na mangyayari pa? O para itama ang mga pagkakamaling nagawa mo noon? Naranasan mo na bang maisip na sana bumagal o huminto ang oras dahil ayaw mo pang m...