Busy ako sa paglalaro ng Minesweeper nang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Kent.
"Hello?"
"Hello, Via? Tungkol sa pagyayaya ko kahapon..." Malumanay ang kanyang boses. "Pwede ka ba?"
"Oo. Saan tayo magkikita?" Tanong ko.
"Sunduin na lang kita sa inyo," sagot naman niya.
"Ah, hindi na. Magkita na lang tayo." Nandito si Kuya. Ayaw kong makita siya ni Kuya.
"Sige. Sa SM na lang. Okay ka ba sa alas diyes?"
"Okay. Um, ayos lang ba na isama ko si Joy?"
"Oo naman. Isama ko na rin yung kaibigan ko para double date?" Tumawa siya ng bahagya. Uminit ang mukha ko nang sabihin niya ang "date".
"Pwede rin." Tumawa ako. "Makasundo kaya yan ni Joy?"
"Mabait naman si Nash. Saka hindi naman natin sila iiwan mag-isa." Aniya.
Sumang-ayon na ako sa plano niya at binaba na namin ang tawag. Agad ko namang tinawagan si Joy.
"Hello!" Galit na bungad niya.
"Kagalit mo?" Tumawa ako. "Anong meron?"
"Via? Hindi naman ako galit, ah!" Halos pasigaw niyang giit. Hindi raw galit. "Napatawag ka?"
"Labas tayo," please sumama ka.
"Sige!" Masiglang sabi niya. "Kainis dito, eh!"
"Bakit anong meron?" Natawa ako sa tono ng boses niya.
"Nandito yung mga Ninong ko. Kanina pa ako pinapasampa sa lamesa para kumanta. Juice ko! Ang tanda ko na para dun!" Inis na sabi niya kaya lalo akong natawa.
"Lol. Sige kita na lang tayong SM. Magbihis ka na, ah. Alis na tayo." Sabi ko.
"Aba, nakabihis na ako. Kanina ko pa gustong umalis. Palabas na nga ako ng bahay, e." Aniya at narinig ko ang screen door nila na bumukas at sumara.
"Great," tumawa ako. "Um, kasama pala si Kent."
"What?" Halatang nagulat siya. "Gagawin niyo nanaman akong chaperon?"
"Hindi! Nagsama din siya ng kaibigan." Please, wag kang uurong.
"Ah. So ano yun? Double date?"
"Kung ganun mo iisipin, oo." Nagcross ako ng fingers. Please sumama ka. Kailangan kita.
"Hay, sige. Kaysa naman pakantahin at pasayawin ako dito sa bahay." Sagot niya. Yes!
Nagmadali na akong nagbihis at nag ayos ng sarili. Bumaba ako ng hagdan nang masalubong ko si Kuya na paakyat naman ng hagdan.
"Kuya, labas lang ako. Kasama si Joy..." At si Kent at ang kaibigan niya. Hindi ako nagsinungaling.
"Ah, sige. Tawagin mo na lang si Manong. Nanjan siya sa labas." Simpleng sabi niya. Hay, salamat wala nang ibang tanong.
BINABASA MO ANG
The Time Manager
FantasyHumiling ka na ba na sana bumalik ka sa nakaraan para mabalikan ang mga alaalang alam mong hindi na mangyayari pa? O para itama ang mga pagkakamaling nagawa mo noon? Naranasan mo na bang maisip na sana bumagal o huminto ang oras dahil ayaw mo pang m...