Kabanata 4

11 1 0
                                    

Kabanata 4
Pure Happiness

"Sabay ba tayong kakain, Via?" Tanong sa akin ni Joy bago kami nakalabas ng room.

Sinara ko ang bag ko pagkakuha ko sa phone ko. Napapadalas na ang pagsabay namin ni Kent kumakin tuwing lunch kaya tinatanong ako ni Joy.

"Oo, sasabay si Kent sa atin." Sagot ko.

Nakakita ako ng usual text ni Kent. Nasa Caf na raw siya. Nagtipa ako ng reply sa kanya saka ulit binalik ang phone ko sa bag.

"Kayo na ba ni Kent?" Tanong ni Joy na pinapanood pala ang kilos ko.

Agad akong napatingin sa kanya, "hindi pa!"


"Hindi pa? Ano yun? May balak? Malapit na?" Tanong niya at napailing na lang ako.

Hindi pa... kasi magiging kami. Hindi pa nga lang ngayon. Pero magiging kami.

"Ikaw, ha. Magseselos na ako. Parang pipiliin mo na si Kent imbes na ako." Tumawa ako sa kadramahan ni Joy. Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa Caf.


"Uy, di ah. Ikaw talaga, ang drama mo." Tumawa ulit ako kaya tumawa na rin siya. Madalas siyang tumawa tuwing tumatawa ako. Aniya, nakakatawa daw kasi ako tumawa.


"Huwag ka na ngang tumawa! Nakakatawa!" Aniya habang humahalakhak siya.

Natawa ako sa itsura niyang humahalakhak kaya natawa rin siya sa akin, kaya napahalakhak din ako lalo. Tumigil kami sa paglalakad at tinawanan namin ang isa't isa. Kaya eto kami, mukhang baliw na naghahalakhakan sa gitna ng corridor. Hinawahan ko yung tiyan ko sa sakit saka tumuro sa kanya habang tumatawa. Ganon din siya.


"Tama na... Tama na..." Hinihingal na sabi ni Joy saka siya kumalma sa pagtawa. Tumingala siya at kumuha ng hangin. Kumupas na rin ang tawa ko. "Tama n–" tumingin siya sa akin saka ako napahalakhak ulit kaya natawa ulit siya.


"Ayoko na, Via!" Aniya habang humahalakhak. Mabuti na lang at malapit pa kami sa classroom kaya puro kakilala namin ang mga nandito. Hindi masyadong nakakahiya...kahit papano. Saka hindi naman nila kami masyadong pinapansin.


"Tara na nga!" Tumakbo kami papunta sa Caf habang tumatawa.

Sinalubong naman kami ng hangin pagkalabas namin ng building habang tumatakbo. Napapikit ako sa sarap ng pakiramdam. Para bang malaya ako sa lahat. Parang ulit akong batang tumatakbo, hindi man lang iniinda kung pagpapawisan mamaya. Basta ang sarap sa pakiramdam ang ganito, kasama mo pa ang pinakamatalik mong kaibigan na tawa ng tawa.


Sana bumagal yung oras...

Sa pagbulong ko nun ay naroon nanaman ang pamilyar na sandali. Habang nakapikit ay nakita ko nanaman ang aking sarili na mabagal natumatakbo, kasama si Joy, sa gitna ng damuhan. Masaya kami. Nagtatawanan.

Naramdaman ko na kusang umangat ang kamay ko para hawakan ang kamay ni Joy. Napanood sa imahinasyon ko (kung ito man ang tawag) na magkahawak kamay kami ni Joy na nagtatawanang tumatakbo. Slow motion. Maski ang hangin ay mabagal na umiihip, ang mga buhok namin ay mabagal na nililipad, ang mga damo ay mabagal na gumagalaw, kami ni Joy ay mabagal ding nagtatawanan at tumatakbo.

Sobrang dama ko ngayon ang umaapaw na emosyong saya sa puso ko. Parang ang paggawa ng puso ko ng ganong emosyon ay bumagal din kaya damang-dama ko yon. Nakakaiyak. Sana ganito pa rin kami hanggang sa huli.


Minulat ko na ang mga mata kong mamasa-masa. Nakita ko si Joy na hinihingal habang nakasandal sa tuhod niya. Napapunas ako ng mata. Pwede ba to? Pwede ba akong umiyak ng ganito sa nakaraan kung hindi naman ako umiiyak noon?


The Time ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon