Kabanata 6

8 1 0
                                    

Napangiti ako nang makita ang pangalan ko sa pinakatuktok ng Top 10 list. I made it.

"Myghad, Via! Congrats!" Imbes na ihand shake ako ni Joy ay pinagsasasapak niya ako. "Anong ginawa mong babae ka at ba't ganyan ka kataas! Lagi naman tayong magkasama ah! Tapos may Kent ka pa!" Tumawa ako sa reaksiyon niya.


"Inspired?" Ngumiwi siya sa sagot ko.


"Matagal mo na akong kaibigan, ngayon ka lang naging inspired sa akin?" Natawa ako sa sinabi niya.


"Maging inspired ka na rin kasi sa akin para maging top 1 tayo pareho." Sabi ko sa kanya habang natatawa.

"Wait, check natin yung rank mo sa buong grade eleven. Sa kursong STEM ay top one ka, let's see sa buong batch." Ani Joy at hinila niya ako sa kabilang bulletin board kung nasaan nakalagay ang top list ng buong batch.


Of course ako na yan. Naperfect ko lahat ng quizzes, seatworks, exam namin!

Hinayaan ko na si Joy na tignan ang pangalan ko sa listahan. Inayos ko na lang ang buhok ko habang pinagmamasdan siyang tinitignan ang list.

First time kong makita ang pangalan ko sa listahan. Masaya pero hindi ganoon na masaya talaga. Siguro dahil aminado din ako sa sarili kong hindi ko deserve jan at wala talaga ako dapat jan. Pero hindi rin naman maalis ang excitement sa akin sa magiging reaksiyon nila mama. Siguro naman boto na sila kay Kent ngayon.


Nilingon ako ni Joy na may malapad na ngiti. I knew it. Sa ngiti palag niya ay alam ko na ang resulta.

"Congrats, rank two!" Aniya at parang nanigas ang nakangiti kong labi.

Wait, ano daw? Rank two? She's kidding right? Perfect ko lahat ng quizzes, seatworks at exam! How come?


"Sinong rank one? Anong strand niya?" Nakisiksikan ako sa mga tao at sinilip ang listahan.


"Hindi siya Academic Track, Via. Tech. Voc. yung rank one." Sagot ni Joy.

Binasa ko ang listahan at nakita na ang pangalan ko sa pangalawa. Pero bakit? At nasa vocational pa ang nakatalo sa akin?


"Joy, perfect ko lahat ng final exams natin!" Sabi ko kay Joy.

"Oo, alam ko, Via. Pero mas mataas ang percentage ng performance. Mas maraming hands-on ang mga Tech. Voc. kaya siguro ganun. Pero congrats, Via! Top two ka sa buong batch!" Maligayang bati sa akin ni Joy. She's right. Wala na akong karapatan pang magreklamo gayong may sandata ako.


Aalis na sana ako sa lugar na 'yon nang may tumakip sa mga mata ko. Agad akong napahawak sa kamay na 'yon at sinubukang alisin pero hindi nagpaawat yung taong yun.

"Kent, top one yan! Tapos top two sa batch namin," sabi ni Joy, dinig ko ang saya sa boses niya. Kent...

Tinanggal ni Kent ang kamay sa mata ko, "Joy, naman. Bakit mo sinabi pangalan ko? Wala na."

Nang-aasar na tumawa si Joy saka nagpaalam sa amin na hihiwalay muna. Kakain nanaman siguro yun. Saka may times talaga na sinasadya niyang bigyan kami ng quality time ni Kent.


"Congrats, Via." Aniya. Hinarap ko siya at nakita ko ang maganda niyang ngiti.

"Thank you!" Ngumiti ako sa kanya. Para sayo lahat ng to, Kent. Para hindi na tayo magkahiwalay sa kasalukuyan.


"Gusto mong kunain? Libre kita!" Aniya.

"Talaga? Sige!"

Kinuha niya ang bag ko sa akin at sabay na kaming naglakad. May gap pa sa pagitan namin habang naglalakad. Hindi na ulit kami nakapag-holding hands simula nung huli. Para bang aware si Kent sa mga limitasyon niya at nirerespeto niya ang kung anong meron kami. Though, gusto ko na magkahawak kamay kami syempre.

The Time ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon