Masayang-masaya ako habang hinihintay sila Mama na makauwi. Hawak ko na kasi ang grades ko. Lowest ko ay 94. Myghad. Ni minsan, hindi ko naranasan ang 94 bilang grade. Tapos ngayon, lowest ko pa yun!
"Mama!" Sinalubong ko siya at humalik sa pisngi. Ganun din ang ginawa ko kay Papa kapasok niya sa bahay.
"Kumain ka na?" Tanong sa akin ni Mama.
"Hinintay ko na po kayo," nakangiting sabi ko.
"Bakit? Anong meron?" Tanong niya habang papunta kami sa dining. "Si Kuya Louie mo?" Tanong niya ulit kaupo niya sa usual seat niya.
"Nasa kwarto po. Tawagin ko lang po." Sabi ko. Dinig naman ang bigat ng bawat hakbang ko sa pagtakbo pataas sa kwarto ni Kuya.
Kumatok ako sa pinto niya. "Kuya, nanjan na sila mama!"
"Okay. Bababa na ako." Malumanay na sagot niya. Mabilis ulit akong bumaba ng hagdan, gumagawa ng ingay sa hagdan.
Umupo na ako sa usual seat ko. Natahimik na habang hinihintay si Kuya.
"Mama, Papa." Nagmano si Kuya sa kanila.
Di nagtagal at nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang ako, halos hindi mapakali sa kaba. Kung kanina, excited ako, ngayon kinakabahan na. Ganito siguro talaga ang dala-dalang aura nila mama at papa. Napakabigat. Nakakakaba.
"Kumusta ang work, Louie?" Tanong ni Mama. Dumaan ang nakakabinging katahimikan, bumalot sa akin ang malamig na paligid. Tumigil sa pagkain si Kuya at hinarap si mama.
"Ayos naman po. May offer po sa akin sa ibang bansa pero tinanggihan ko." Wow. Ganun kagaling si Kuya at may offer sa kanya sa ibang bansa na tinatanggihan lang niya?
"Bakit mo naman tinanggihan?" Tanong ni Papa.
"Malaki naman po ang kompanya na pinapasukan ko. Kuntento na po ako doon." Ani Kuya at nagpatuloy na ulit siya sa pagkain. Parang okay na siya sa kwento niya.
Napatango naman si Papa. "Minsan mas magaganda naman ang offer dito sa Pilipinas. I trust your decisions, anak. Pero sana napag-isipan mo talaga yan ng mabuti."
Nagpatuloy ulit kami sa pagkain. Lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko. Ako na niyan ang sunod na tatanungin. Alam ko na wala naman akong dapat na ikakaba dahil matataas ang grado ko. Pero hindi ko mapigilan. Ewan ko ba bakit kabadong-kabado rin ako.
"Ikaw, Via..." Napalunok agad ako kahit hindi ko masyadong nangunguya ang pagkain ko.
"Po?" Tanong ko kahit alam ko naman na kung para saan ang tawag niya at kung ano ang itatanong niya.
"How's school?" Tanong ni Mama. Napainom muna ako ng tubig bago siya tinignan.
"Okay naman po," mahinang sabi ko.
"Papanong okay naman? Minsan kasi magkaiba ang meaning natin ng 'okay naman' na yan." Ani Mama. Napayuko ako.
Oo, yung katumbas kasi ng 'okay naman' ko ay saktong pasado na grade. Samantalang sila, almost perfect grade. Mataas ang standards nila. Kaya magkaiba talaga ang meaning ng 'okay naman' namin.
Kinuha ko ang card ko na nilagay ko sa lap ko, saka binigay kay Mama. Tahimik niya itong pinagmasdan. Tahimik ko lang ring pinagmasdan si Mama. Sobrang lakas ng kabog sa dibdib ko. Ilang malakas na kalabog sa dibdib ko ang naramdaman ko bago ko makita ang tipid na ngiting sumilay sa labi ni mama na ngayon ko lang nakita.
Tumingin siya sa akin habang nakangiti pa rin. "I'm impressed."
Para akong nakawala sa binalot na kaba. Pakiramdam ko ang laya-laya ko. Pinigilan ko ang kumakawalang ngiti sa aking labi. Ang saya-saya! Ngayon lang sinabi sa akin ni Mama yan! Ngayon lang... Gusto kong maiyak. Never pang naimpress sa akin si Mama. Never pa siyang ngumiti sa akin ng ganyan. Ngayon lang talaga.
"Let me see," si papa naman ngayon ang seryosong tumingin. Hindi na ako kinabahan pa. Confident na ako dahil napaimpress ko si Mama. "Nice. Good job, Via." Sabi sa akin ni Papa.
Omyghad. Is this really happening? Nananaginip lang ba ako? Kung oo, pwedeng wag na lang akong gisingin? Pwede bang ganito na lang? Ang saya-saya ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong saya sa harap nila mama. Napasaya ko sila!
"Galing, Via. Sabi ko naman sayo kaya mo, e." Ani Kuya. Oo, madalas niya akong sabihan na kaya ko naman talaga at tamad lang ako. Madalas akong mainis kay Kuya kapag sinasabi niya yun. Pero ngayon hindi na ako naiinis. Napasaya ko sila ngayong gabi at hindi ko makakalimutan itong gabi na ito.
"Top one po ako sa buong STEM na strand. Sa buong batch naman po ay Top 2 ako." Napakagat ako ng labi. Nakakaconfident sabihin ang rank ko sa harap nila.
"Wow! This really made my day, Via. Sana magpatuloy to."
I can't! Umiiyak na talaga ako sa loob-looban ko. Ang mama kong laging stressed at galit sa akin, napasaya, napangiti at nabuo ko ang araw ngayong gabi na ito. It is really happening.
"Joy!" Masiglang tawag ko kay Joy pagkahiga ko sa kama ko.
"Oh? Nakakabingi yata ang sigaw mo ngayon?" Bagut na sabi niya. Halatang bored siya.
"Napangiti ko sila!" Masayang sabi ko. Ilang segundong katahimikan bago nagsalita si Joy at nagsisisigaw rin.
"Sino? Sila Mama mo? Wow! Good for you! Sino ba namang magulang ang hindi matutuwa sa ganyang grade diba? Im really proud of you too, Via. Ang galing mo rin talaga this sem."
Sobrang lapad na talaga ng ngiti ko. Hindi na talaga ako makapaniwala sa kasiyahang natatamo ko sa buhay ko ngayon.
Unang una, napakaganda ng standings ko sa school na first time nang yari sa buhay ko. Pangalawa, naging maganda ang relationship namin ng family ko lalo na kami ni Mama. Napangiti ko siya, di katulad sa kasalukuyan na matindi ang pag-aaway namin. Tapos si Joy... Nanjan siya sa tabi ko. Nanjan pa rin siya, masaya kami at maayos na maayos ang relasyon namin.
Napatingin ako sa phone ko na nagriring. Nakita ko ang pangalan ni Kent sa screen at lalo akong napangiti.
Isa pa ito. Nandirito si Kent. Magkasama kami. Maayos kami. Masaya kami. Hinding-hindi na kami magkakahiwalay pa.
This. Is. Life.
BINABASA MO ANG
The Time Manager
FantasyHumiling ka na ba na sana bumalik ka sa nakaraan para mabalikan ang mga alaalang alam mong hindi na mangyayari pa? O para itama ang mga pagkakamaling nagawa mo noon? Naranasan mo na bang maisip na sana bumagal o huminto ang oras dahil ayaw mo pang m...